NAKATAKDANG GUMAWA ng pelikula ang actor/ singer/ producer na si Jacky Woo sa Busan, Korea, kung saan nakipag- meeting na ito sa chairman ng BIFF. Balak nga raw dalhin ni Jacky ang ilang Pinoy actors para makasama sa gagawin niyang movie.
Everytime daw na gagawa ng pelikula si Jakcy, priority nitong makasama ang ilang Pinoy sa mga pelikulang kanyang ginagawa. Gusto raw kasi nitong katrabaho ang mga Pinoy.
After ngang mag-participate at hangaan ang kanyang pelikulang Death March sa 18th Busan International Film Festival na nagsimula noong October 3 hanggang October 12, nakatakda naman itong mapanood sa Thailand kung saan muling dadalo si Jacky kasama ng kanyang director na si Adolf Alix Jr.
APAT NA Tweenstar ang pare-parehong tumanggap ngayon ng Parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Nauna nang tumanggap sina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio bilang Young Filipino Achievers sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence 2013 held at the Manila Hotel last September 28. Kinilala sila sa outstanding and significant achievements in the field of Arts and Entertainment.
Samantalang noong nakaraang October 9, ginawaran naman ng award sina Teejay Marquez (Most Promising Teen Male Recording Artist ) at Rhen Escaño (Most Outstanding Teen Event /TV Host) ng Dangal ng Bayan Gawad Musika 2013 na ginanap sa Music Museum.
At ang recent nga ay nang gawaran ng 5th Star Awards for Music 2013 for Best New Female Recording Artist of the Year si Julie Anne San Jose para sa kanyang very successful 1st album under GMA Records.
HINDI NAPIGILANG maluha ang mahusay na mang-aawit na si Dulce nang tanggapin ang parangal sa kanya bilang Icon of The Philippine Music Industry ng Star Awards For Music na ginanap sa Solaire, along with Rey Valera, Imelda Papin na ang kapatid nito na si Aileen Papin ang reperesentative, Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto ang tumanggap ng award, Sampaguita, at Rico J Puno na ‘di dumalo sa gabi ng parangal.
Ibinahagi ni Ms. Dulce sa lahat ang dahilan ng kanyang pagluha habang tinatanggap ang kanyang Icon Award at ini-offer nito ang natamong karangalan sa kanyang ina na yumao ngayong lamang taon.
Hindi raw kasi siya suportado ng kanyang magulang sa pagpasok sa mundo ng musika kaya naman at the age of 16 ay naglayas ito at sinunod ang tibok ng kanyang puso, ang pag-awit, kung saan naman nagtagumpay siya.
Hanggang ngayon daw, hindi pa natutuldukan ang issue sa kanilang mag-ina hanggang sa namatay na ito. Pero kung ano man daw ang narating niyang tagumpay ngayon, inaalay niya ito sa kanyang ina.
John’s Point
by John Fontanilla