MULING BUMALIK sa bansa ang very generous na actor/ singer/ director at producer na si Jacky Woo para gumawa ng pelikula. Pero this time ay hindi siya artista kundi direktor ng isang Japanese film.
Matatandaan na ipinaglaban niya na rito gawin sa Pilipinas ang location imbes na sa Thailand para mabigyan niya ng trabaho ang mga Pinoy na nasa film production na nababakante dahil sa kakulangan ng mga ginagawang pelikula rito sa Pilipinas.
Nagtagumpay naman siya at heto nga siya ngayon at pinagigiling na niya ang camera rito sa ‘Pinas. Marami nga ang natuwa na Pinoy dahil may trabaho na naman sila na sigurado ang kita.
MULA SA isang award-winning child actor ay isa nang matagumpay na professor sa UP Manila si Ryan “Atong” Redillas. Pero kahit nga iba na ang linyang ginagawalan ng mahusay na dating child actor, hindi pa rin nito nakalilimutan ang showbiz, kung saan sa UP ay isa itong stage director.
Sa darating na Pebrero 11, 2014, magkakaroon ito stage play entitled Pluwent na siya rin ang nagsulat na mapapanood sa GSIS Theater sa pakikipagtulungan ng Philippine Arts 163 of UP Manila at Maralitang Inamorato. At itoy pagbibidahan nina Jennifer Serrano, Toby Yanga, Kim Harvey Maramot, Joelah Solis, Jaslee Mendoza, Samantha Louis Borbe, at Eronile Castellon.
Para sa iba pang detalye at impormasyon bisitahin lamang ang kanilang Facebook Page (Pluwent ) o kaya’y tawagan sina Kristin Bonifacio (09178406638), CZ Palacio (09089285964 ).
John’s Point
by John Fontanilla