PINAGDIINAN NI Jaclyn Jose na sa abot ng kanyang makakaya ay poprotektahan niya ang kanyang apo na si Ellie (child of her daughter Andi Eigenmann) at hindi raw niya papayagan na saktan ang bata ng kahit sinong tao.
“If I cannot dwell with Andi anymore because she’s at the right age na, but definitely, I will always protect my grand apo. I will never let anyone harm her. No one, no one will harm Ellie,” say ni Jaclyn.
Ito ang ibinigay na pahayag ng veteran actress dahil sa intriga hanggang ngayon tungkol sa mga kung anu-anong kuwestiyon sa tunay na tatay ng kanyang apo.
Four years old na ngayon si Ellie at marunong na raw itong mag-Internet at gumamit ng cellphone.
“Alam na niya lahat ang Facebook, ang Internet, ang phone ko, marunong mag-play, manood. So I just want to protect my granddaughter. Kung anuman ‘yung whatever it is behind everything, definitely nandito ako for Ellie,” say pa ni Jaclyn.
Tungkol naman sa samahan nila ng anak na si Andi, buong ningning na sinabi ni Jaclyn na okey na okey na sila ng anak. Wala raw silang problema ngayon.
GOOD LUCK sa movie nina Jennylyn Mercado at Sam Milby. Mababasa mo lagi na todo lampungan ang dalawa sa movie, pero sana ganoon din kaganda ang istorya ng movie at hindi puro….
Sa dami ng magagandang seryeng napanonood ngayon sa telebisyon, dapat kakaiba talaga ang isang pelikula para ito panoorin. Baka naman ordinaryong romantic movie ang kanilang pelikula. Aba, huwag mabibigla kung hindi ito kumita sa takilya.
Saka, kapag taga-loob at kasama rin sa production ang nagsabi na maganda ang movie ay dapat mangamba. Dapat matuwa kapag ibang tao or ‘yung nakapanood ng movie ang nagsabi na maganda ang movie, doon sila dapat matuwa at magsaya dahil siguradong kikita ito sa takilya. Magiging curious kasi ang mga tao na panoorin ito para mapatunayan kung totoong nga bang maganda.
Ang alam namin na siguradong kumikita sa takilya ang isang pelikula kapag nakasama ito sa taunang Metro Manila Film Festival. Kahit corny ang entry movie, napagtitiyagaan na rin panoorin dahil magpa-Pasko at nakaugalian na ng mga Pinoy na manood sa naturang taunang festival.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo