NAKAKARANAS ngayon ng matinding depression at anxiety attack ang aktres na si Jaclyn Jose. Ito ang kanyang sa entertainment press sa ginanap na digital presscon ng pelikulang The Housemaid ng Viva Films na idinirek ni Roman Perez Jr.
“I’m having anxiety and depression because we can’t get out,” pagtatapat ng award-winning actress.
May kaugnayan sa patuloy na pagtaas ng covid-19 cases na sinamahan pa ng bagong virus na tinawag na Delta variants kung bakit nakakaramdam ng ganito si Jaclyn. Pero sa kabila ng lahat ay tuloy pa rin daw siya sa pagtatrabaho.
“Hindi naman ako magiging ipokrita. Everybody needs to work, so kapag may work, blessing yon. Nakakatakot, very, very hard, and so scary.
“Last year, nu’ng ginagawa namin itong The Housemaid, medyo hindi pa ganoon nakakatakot, eh. Ngayon, mas nakakatakot because of some other variants na dumarating, nagmu-mutate. Mas nararamdaman ko yung takot ngayon,” lahad ng Cannes best actress awardee.
Ayon pa kay Jaclyn na kasama rin sa cast ng GMA teleserye na The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis sasabak daw ulit siya sa lock-in taping any time soon.
“I’m doing a soap. I love my work. I am so bored just to be at home and do nothing. This is what I do best. This is what I love to do best and kapag may ganitong kaganda na characters na ibibigay.
“Kahit na yung soap na ginagawa ko, makakalimutan mo for a while [ang takot]. And you need to be with your extended family, my showbiz people family, because it is hard,” sambit pa niya.
Samantala, bida sa The Housemaid si Kylie Verzosa. Kasama rin sa pelikula sina Albert Martinez, Louise delos Reyes, Elia Ilano at Jobelyn Manuel.
Streaming ang The Housemaid simula September 10 sa Vivamax, Ktx.ph at iwant TFC.