INAMIN NI Jaclyn Jose nananatili pa ring mahal niya ang ABS-CBN na kahit nasa GMA 7, dahil hindi naman daw siya nawalan ng project sa Kapamilya Network.
“The more you get old, the more you have to work. Wala namang problema sa akin sa ABS. Freelancer naman ako,” bungad ni Jaclyn.
“‘Yung mind ko kasi, kapag parent ka, kapag mayroon kang responsibilidad, parang kahit alam mong you’re doing your best at alam mong may darating na trabaho, iniisip mo pa rin na, “Ano kaya pagtapos nito? May susunod pa kaya?” Hindi pa naman dumarating sa akin ‘yon. Pero ‘yung utak ko… ganoon ako, eh,” say pa ng ina ni Andi Eigenmann.
Kumusta naman sila ng anak niyang si Andi? Okey na ba silang mag-ina?
“Good! Okey naman. We just don’t talk. At least we don’t fight. At least walang talak. Hindi ako tumatalak sa umaga. Ang tingin ko naman sa kanya, anak ko, eh. Hindi si Andi na artista,” say ni Jaclyn.
Ang madalas na pagtalunan daw nilang mag-ina ay ang pagiging makalat ng anak.
“Siyempre ikaw, gusto mo, malinis ang bahay. Tapos huwag makalat. ‘Yun lang,” say pa ni Jaclyn.
Tungkol naman sa madalas na napaglalaruan ang style ng pag-arte niya. Hindi ba siya nau-offend?
“Hindi. Gusto ko nga ‘yun, may free publicity. Mayroon akong Bubble Gang na napapanood every Friday sa Kapuso Network. Ang dami kong regular sa katauhan ng ibang tao. Sa stand-up comedy sa gabi-gabi, nandoon din ako. Eh, ‘di happy. Pati si Ryzza Mae (Dizon) ginagaya ako… so, happy,’ katuwiran ng sikat na actress.
Kumusta naman ang lovelife niya? May nagpapasaya na ba?
“Aywan! Wala. Kahit walang make-up, maganda naman ako. Hahaha!” aniya.
Nakarating na rin kay Jaclyn na may sakit si Mark Gil (ama ni Andi ). Nasabi na lang niya na sana raw ay walang magiging kawawa sa mga anak ng actor.
Open naman daw siya sa pagkakaroon ng boyfriend. Hindi raw nag-work-out ‘yung huli niya na nasa States na. Pero nasa kanya lahat ang mga anak at apo niya na spoiled sa kanya ang tatlo.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo