Jaclyn Jose, pinapatos kahit baguhan

Jaclyn-JoseEKSKLUSIBO NAMING nakapanayam ang award-winning actress na si Ms. Jaclyn Jose sa set ng indie movie na Tumbang Preso sa may Tandang Sora. Magiliw na humarap ang aktres sa amin at nakipagkuwentuhan. Ang Tumbang Preso ay dinirek ng baguhang direktor na si Kip Oebanda kaya ang unang tanong namin kay Jaclyn ay kung paano siya napapapayag na magpadirek sa mga new filmmaker.

“Si Ed Instrella (manager niya) lang,” kaswal na sagot ng aktres pero kapagkuwa’y napangiti ito. “Hindi, kidding aside, bilib ako sa mga bagong direktor ngayon. Marami sila… at mahuhusay. Gusto kong makatulong kung kailangan nila ako.  Saka si Ed, ‘pag tumawag iyan, o Jane (tawag sa aktres), may shoot ka bukas sa ganitong lokasyon. Ibig sabihin nu’n, naplantsa na niya… nabasa na niya ang script… na alam niyang gagawin ko ‘yung project.

“Ako naman… hindi naman ako pupunta sa lokasyon na hindi handa. Ibig sabihin, gusto ko ‘yung role… kahit sino pa ang direktor at kahit sino pa ang mga artistang makakasama ko.

“‘Yung talent ko kasi is galing sa mga legendary directors natin… sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Chito Roño at marami pang iba. Si Direk Chito talaga ang mentor ko. Gusto kong i-share ‘yung talent ko sa lahat… ke baguhan o nagsisimula pa lang dito sa industriya,” mahabang pahayag ng mahusay na aktres.

Tinanong din namin ang aktres kung paano niya isiselebreyt ang Mother’s Day?

“We will eat out, kami ng mga anak ko. Pupunta kami sa Sta Rosa, Laguna,” sabi ng aktres.

Kasama ba si Andi Eigenmann at ang anak nito?

“Hindi makakasama si Andi kasi busy siya, pero kasama namin ang anak niya, ang apo ko. Nasa Bukidnon siya, eh. May out of town show siya du’n,” sabi pa rin ng aktres.

Eh, kumusta naman sila ni Jake Ejercito, ang rumored bf ni Andi? Ano ba ang real score sa dalawa?

“I think they’re okey naman… kaya lang ayokong magsalita. Kasi mag-aaway na naman kami ni Andi. Ayaw nu’ng pinapakialaman ko siya, eh. Eh, ako ang nakakakita, ‘di ba? Alam ko ang totoo.

“Walang problema sa akin si Jake. I love Jake. Mabait at magalang na bata. Basta ako, nasa likod lang ako lagi ni Andi. Hindi ako nawawala sa kanya. Alam ko ang mga nangyayari sa kanya. Sana lang, ‘wag siyang masasaktan,” sey pa rin ng premyadong aktres.

Binigyang-bihis niya ang pagiging isang kontrabida dahil sa lahat ng mga programang ginagawa niya ay angat na angat siya. Mayroong masamang-masama siya, meron namang cute ang pagkakontrabida niya, may sweet at nakakairita at maging si Jaclyn ay masaya sa mga positibong sinasabi ng mga tao sa kanya bilang isang mahusay na character actress.

Ginagaya nga siya ng mga beki sa mga comedy bar at sey ng aktres, okey lang ‘yun kasi nakikilala siya ng mas nakararami lalo na ang mga kabataan.

“Sa totoong buhay naman eh, bida ako,” sambit pa ng aktres.

Chris-Louie-CaminsNewcomer Chris Louie Camins, may baon sa pag-arte

PAGKATAPOS NG rigid acting workshop sa PETA, nabigyan agad ng break ang baguhang young actor na si Chris Louie Camins sa programang “Maynila” ni ex-Mayor Lito Atienza. Nakasama niya ang young actress na si Barbie Forteza. Kung marami ang naiirita at sinasabing suplada si Barbie , hindi ‘yun ang naranasan ng baguhang young actor dahil  approachable at sweet daw ito sa kanya at sa lahat ng tao sa set.

Nagmula sa Brgy. Putik, Zamboanga City si Chris Louie Camins at nag-aral sa Ateneo De Zamboanga kung saan din du’n nag-graduate ang kababayan niyang aktor na si John Estrada. Sina Robin Padilla at Coco Martin ang mga idolo niya at inspirasyon kaya naman sinubukan din niya ang pag-aartista. ‘Yun lang, bago siya sumabak sa pag-arte, tiniyak niyang may baon siya kaya nag-enroll agad siya sa PETA. Ngayong June na ang kanilang finale at isang magandang play ang inihahanda na gagawin niya kasama ang iba pang batchmates sa workshop.

May offer na ring indie movie si Chris Louie kung saan gaganap siya bilang young Albert Martinez (na marami ang nagsasabing kahawig niya, particularly ang director niya sa Maynila na si Phil Noble) at si Makisig Morales naman ang gaganap bilang young Richard Gomez na may tentative title na Bullying.

Good luck, Chris Louie Camins and welcome to the industry!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleChef Boy Logro, minaliit dahil elementary lang ang natapos
Next articleKuya Germs, ise-celebrate ang 27 years ng Germspesyal sa midnight show

No posts to display