May bagong show tungkol sa travel, culinary, and cuisine specialty ng bawat probinsya.
Parang ang peg ng bagong palabas ay ipakita ang sarap ng pagkain na siyang kinakainan sa bawat lugar and at the same time ay hinaluan ng pagbibiyahe ang gagawin ng mga host na kinatatampukan ng PBB twins na sina Joj at Jai Agpangan na magsisimula na sa March 4 at mapanonood sa GNN (Global News Network) at 8 a.m. with replays and at the same ay mapanonood sa iba’t ibang cable channels sa bansa.
Ang bagong show na pinamagatang “Biyahe’t Kusina” ay magtatampok sa mga local food specialties and discoveries ng isang bayan (or probinsya) at idi-direk ni GM Aposaga at tatampukan din nina Aaron Quizon at Lloyd Abella na dating talent ni German Moreno sa kanyang “Walang Tulugan” midnight show on GMA Network.
Actually, swak ang kambal na sina Joj at Jai dahil sa kakaibang daldal nila. Parang reality show rin na masasabi ang bagong travel cum culinary na palabas dahil the hosts will travel and do some backpacking sa mga biyahe nila at mag-i-interact sa locals ng kanilang destination para malaman ang mga traditional at local favorite food ng mga taga-roon.
Isa sa mga episode line-up nila ay ang pagbisita sa Mangyan communities in Mindoro. They will try to experience the Mangyan lifestyle na ang kambal ay excited sa gagawin nila. “Magha-hike daw kami to reach their community, sabi ni Direk GM,” kuwento ni Jai.
Aside from the new show nina Jai at Joj, they opened a small eatery called LOL in Mandaluyong and at the same time ay patuloy pa rin ang studies nila sa University of the Philippines-Diliman sa Open University nito.
“Parang home studies ‘yong klase ng schooling namin, pero we need to report sa university kapag mag-e-exam na kami,” kuwento ni Jai sa amin.
Regular ding napanonood ang dalawa sa “MathDali” sa Knowledge Channel every Tuesday, Thursday, Saturday, and Sunday every 10 in the morning. Ka-join sa educational show na ito sina Igi Boy Flores, Vic Robinson, at si Robi Domingo na super crush ng kambal.
Happy sina Jai at Joj sa bagong challenge sa kanilang career. “Both of us loves to travel kaya excited kami sa first taping namin and this will be in Batangas,” kuwento sa amin ni Joj sa amin.
Dahil mga batang biyahera, they have experienced island living in Bantayan in Cebu. “I love the place. Very raw. Hindi pa ito masyadong commercial,” kuwento ni Jai sa puntong Ilonggo.
Discovering the Philippines is now easy with Jai and Joj’s travel cum food show “Biyahe’t Kusina”. I’m sure people will learn a lot from the show.
Good luck, girls!
Reyted K
By RK VillaCorta