MAY BAGONG bagets na gustong mag-artista, si Jaivy Phipps na lead actor sa advocacy film na Pipamyalungan (Playground) which tackles human trafficking. Kasama niya sina Lance Raymundo, Althea Vega, Buboy Villar, Jolas Paguia, Angelica Lapus, Lea Sephora Bautista, Melfred Dones. The movie is written and directed by Ronald Rafer.
“Noong tumuntong ako ng grade six ay nangarap na akong maging artista. Gusto ko pong ipakita ang mga talent ko like dancing,” say niya sa amin.
Idols niya sina Robin Padilla dahil “lalaking-lalaki”, and Andrew E. dahil nakakatawa ito. Type naman niya si Anne Curtis, saying, “Masayang-masaya ako kapag kumakanta siya. Doon po ako natatawa sa kanya.”
Aminado si Jaivy na hirap siyang umiyak. “Nahihirapan po akong umiyak. Hindi po kasi ako iyaking bata. Mag-iisip lang ako ng nakakalungkot at magpa-practice na lang po ako para sa crying scenes. Mag-iisip na lang po ako ng malungkot na eksena. Siguro ‘yung mga bata na nasa lansangan na nangangalakal. Iyon siguro ang iisipin ko,” sabi niya.
Bilang isang anak mayaman na kinidnap para gawing pulubi sa lansangan, may mga eksena si Jaivy na kailangan niyang mag-drama.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas