KUNG MATUTULOY ang plano, si Jake Cuenca na ang makakasama ni Baron Geisler sa controversial plot ng Lihis, bagong indie film ni Direk Joel Lamangan.
Kuwento ng co-manager ni Jake na si Neil de Guia (co-managed si Jake with ABS-CBN’s Star Magic), ala-Brokeback Mountain ang “peg” ng story, pero not necessarily kopya ang kuwento ng Lihis sa nasabing Hollywood film, kundi isa itong original story.
Ang pagkakatanda namin, na-offer ang Lihis film project noon pang 2007 sa isang sexy actor, then naging abala sa ibang indie movies si Direk Joel sa ilang socially-relevant films niyang Sigwa, Dukot, Patikul, Deadline, ang upcoming niyang Migrante, bukod pa rito ang kanyang mga teleserye and some gay-oriented indie films.
Kung hindi na-revise ang script na una naming nakuha noong 2007, socio-political drama ang Lihis at mapangahas na tatalakay sa mga buhay ng New People’s Army (NPA) na may “lihis” na mga pagkatao kaya asahang may ilang adult undertone din ang movie.
In short, may “gay”or discreet character dito na gagampanan ni Baron, at si Jake nga ang kanyang “kapareha”.
We heard and read na this year, nai-offer din ang Jake role kina Patrick Garcia at Aaron Villaflor, pero tila mga ‘di talaga nila kakayanin ang “requirements” ng role – na hindi pa kami sure kung may kissing scene o love scene sa kapwa lalaki o may puwet exposure ang dalawang lead actors.
Hanggang sa kinausap na mismo ni Direk Joel si Jake, at ayon nga kay Neil ay gusto ito ng guwapong actor dahil malaking challenge daw ito sa pagiging aktor nito.
Ang inaayos lang ay ang schedule ni Jake. May on-going itong serye sa ABS-CBN, ang Kung Ako’y Iiwan Mo, na highest-rating ng Kapamilya shows tuwing hapon.
Then, three times a week itong nagte-taping naman ng pang-primetime serye niyang Kapag Puso’y Masugatan with Iza Calzado, Andi Eigenmann, and Gabby Concepcion.
Twelve days ang hinihinging shooting days for Jake para sa Lihis, eh ang maibibigay lang daw na sked nito ay tuwing weekends.
Ayon kay Neil, waiting na lang sila sa mga taga-ASAP kung maibibigay nito ang Sundays for Jake to shoot Lihis.
Ang maganda kay Jake ay open ito sa offbeat roles like this sa pelikula, at hindi siya makahon sa puro na lang commercial films ng major film outfits. Indie films nga lang kasi ang may ganitong creative and realistic plots.
Nagka-butt exposure na rin si Jake sa ilang mainstream movies niya, hindi tulad ng ibang actor na kahit na kailangan sa istorya eh, ayaw o nagdadalawang-isip, dahil ayaw kumawala sa “image” na pino-project sa publiko.
Si Baron, wala ring kuwestiyon ang husay sa pagganap ever since.
For Jake, pati Gawad Urian Awards ay napansin na rin siya with a Best Supporting Actor nomination sa In The Name of Love (with Aga Muhlach and Angel Locsin), at nag-win din ito ng same ca-tegory in the same movie, sa PMPC Star Awards for Movies na ka-tie niya si Baron mismo.
Makakasama rin nina Jake and Baron sa Lihis sina Lovi Poe in the lead actress category, pati na sina Isabelle Daza and Gloria Diaz.
NOONG THURSDAY sa It’s Showtime ay live na ipinagdasal ng lahat ng hosts ang kalagayan ng Hari ng Ko-medya na si Dolphy, headed by Kim Atienza.
Hiniling ng hosts na sabayan ng buong sambayanan ng panalangin na malagpasan ni Mang Dolphy ang kanyang current state na nasa ICU, at sinasabi sa online reports at tabloids na “very critical” ang kundisyon nito.
A few days ago, nag-post pa sa Facebook ang isa sa mga anak ng legendary comedian na si Ronnie Quizon, na nagre-respond naman daw ang kanyang ama sa treatments.
Pero ang latest, dumaan na sa tatlong dialysis si Mang Dolphy at mukhang lumalakas na nga dahil kinaya nga nito ang pangatlong dialysis kahapon.
Ipinapanalangin namin na tulyan nang gumaling ang Comedy King.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro