TAKE MY (BAD) breath away: Kulang na lang, malunod si Jake Cuenca sa sunud-sunod na pagpapatotoo ng mga kaharap na press sa presscon ng pelikula niya with Maja Salvador, Shaina Magdayao and Geoff Eigenmann sa Star Cinema Prodcutions, ang horror flick na Villa Estrella. Diumano, sinasabi at ikinakalat ng kanyang nakasama sa Your Song na si Cristine Reyes na ‘bad breath’ o may halitosis ang aktor!
Sige lang sa pagtatanggol kay Cristine si Jake, even saying na they are good friends at kung sakali, may posibilidad pa nga raw na ma-fall siya rito.
But in the midst of trying to be very much of a gentleman, kahit na positibo ang lumalabas sa mga labi ni Jake, ang patuloy na lang na pagtitiim o pagpipigil sa kanyang bagang ang makikita sa aktor habang kinukudlitan ng mga ha-ha-ha niya. Ayaw raw kasi niyang maniwalang magagawa ‘yon ni Cristine.
At para sa kanya, wala namang katotohanan daw ‘yung hindi siya maingat sa kanyang hygiene, lalo na sa kanyang bibig. Parang nakagugulat lang daw ang balita dahil hindi naman daw si Cristine ang unang leading lady niya o nakasama sa trabaho. Kaya kung totoo raw ‘yun, sana noon pa, may nagreklamo na sa kanya.
BE A MAN(io) enough: ‘Yan ang hamon ngayon ng Star Magic para sa hindi na young actor na si Jiro Manio.
Kaya nga marami ang nagtaka noon nang ‘di ito dumalo sa relaunching ng Tayong Dalawa. Marami na ang nag-isip na malamang na may problema kay Jiro at ginawa na lang excuse ‘yung may sakit ito. Kaya ang tanong nga ng press eh, kung ito na raw ba ang susunod na tsutsugihin sa nasabing teleserye.
Ayon sa ipinadalang statement ng Star Magic at ng ABS-CBN, dahil sa pagpapakita ng unprofessionalism ni Jiro at ang hindi nito pagtupad sa kanyang mga pangako every time na lang na ire-reprimand siya, pagpahingahin na muna ito sa nasabing soap, pati na rin ang pagre-represent ng Star Magic sa kanya bilang artist nila.
Kung sinasabi ni Jiro na nagkasakit siya, imposible namang hindi siya tulungan ng network. Kung nagiging tamad na siya sa trabaho niya at mas pinipili na ang love life sa sabi rin niya eh, babaeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya, dapat siguro, sa halip na maging pasaway eh, naging inspirasyon pa ito ng mahusay pa namang aktor.
Nakakaloka na ‘di ba? Kung sino ang magagaling, sila ang nagpapakalukresya!
TWO FOR THE road: Ang isa, solong bumaba pa from Baguio. ‘Yung isa naman, banda sila na kinilalang Orgullo de Zamboanga (Pride of Zamboanga).
‘Yung soloista from Baguio na si Benj, eh, isang flight attendant (domestic) pala sa PAL. Sikat ngayon ang cover version niya ng Rod Stewart song na I Don’t Wanna Talk About It na included in his album under Polyeast.
Ang magkakapatid naman from Zamboanga na sina Jimboy, Shalmai, Nuel at Isaac Calisang eh, kikilalanin sa grupo nilang Revelation na ang carrier na Amor Y Sueno mula naman sa Candid Records, eh, ipinagmamalaki ng kanilang mayor na si Celso Lobregat dahil naibabahagi raw ng mga ito ang Spanish derivative na lengguwahe nila sa Zamboanga, ang Chavacano. Nasa field of Medicine naman ang pamilyang ito. At gaya ni Benj, they share the same passion for music.
One road. Same path. Pero which direction will take its natural course-there are two for the road!
The Pillar
by Pilar Mateo