MAY ALOK pala ang GMA-7 kay Jake Cuenca. Ang Siyete ang unang naging tahanan ni Jake bago siya lumipat sa ABS-CBN.
“I’m flattered. Ako naman po ay never akong nag-burn ng bridges sa Channel 7. In fact, may good relationship ako with them.
“But just to be fair with ABS-CBN, pumirma po ako ng contract. So right now, I’m a Kapamilya and I’m proud to be one,” pahayag ni Jake na bida sa pelikulang My Father Myself na kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong December.
Napangiti rin ang binata sa ipinarating sa kanyang balita na handa raw maghintay ang GMA-7 hanggang matapos ang kontrata niya sa Kapamilya network.
“Kahit sinong may taker, sa panahon ng pandemya, sa totoo lang sobrang grateful ko na may takers, alam mo yon.
“Na maraming nag-o-offer ng trabaho. Sinarado na ang network namin, at masaya lang ako na may 3:16 Media Network, may Viu, di ba?
“May ABS-CBN International. May ibang platforms at ibang producers. So for me I’m just very grateful for that talaga,” paliwanag ng actor.
Sa balitan magkakaroon ng collab ang GMA-7 at ABS-CBN ay nagbigay din ng reaksyon ang aktor.
“That would be perfect. Talaga to be quite honest. Sabi ko nga in this day and age na di ba, parang binigyan tayo ng konting freedom, eh.
“Ang ganda kasi parang nakikita mo naman unti-unti nagiging inclusive na ang industriya at nagtutulunhan na tayo.
“So for me, that would be a dream scenario — to do a collaboration with both networks,” excited pang pahayag ni Jake.
Todo-promote ngayon si Jake ng My Father, Myself dahil ito ang kauna-unahang filmfest movie niya na siya mismo ang bida. Oo nga’t bahagi siya noon ng Ang Panday ni Coco Martin na naging MMFF entry din pero supporting lang siya sa movie.