BILIB KAMI kay Jake Cuenca as an actor, walang arte kung bida, kontrabida ang papel na kanyang gigampanan, mapa-pelikula o telebisyon. Payag rin siya kahit raw one scene basta markado ‘yung role, okay lang sa magaling na actor. Daring ang bawat character na palagi niyang pino-portray. Wala rin itong kiyeme magpaka-daring sa mga love scene. Pero memorable sa kanya ang passionate love scene nila ni Joem Basco na talaga namang pinag-usapan. Very artistic namang kinunan ni Direk Joel Lamangan ang controversial scene nina Jake at Joem sa indie film na Lihis.
Ang maganda kay Jake, hindi ito natatakot mag-experiment ng iba’t ibang character na kanyang pino-portray. Gusto niya, palaging may bagong nakikita ang viewing public sa bawat pelikula o teleserye nilalaasa nito. Sa pagpili ng project, based on its impact kung matindi at ramdam agad ni Jake ‘yung character. Kailangang tumatagos sa puso ng actor at mararamdaman ng manonood ‘yung present niya on the screen. Hindi raw importante kung maliit o malaki ‘yung role. Kailangan palaging may challenge ang project na napapasakamay nito.
“’Yung lang mapansin ako at tumatak sa isipin nila ‘yung ginawa ko sa pelikula at soap opera, happy na ako. Ang pagiging kontrabida ay isang malaking hapon sa kakayahan naming mga artista. Kailangang magampanan mo ito nang mabuti para mapuri ka,” say ng hunk actor.
Excited na ikinuwento ni Jake na nagkaroon siya ng acting nomination at the Queen World Film Festival last year sa Independent film Nuwebe. First time nagkaroon ng nomination in the States ang binata. Sa pangyayaring ito, mas lalong nagkaroon ng confidence si Jake as an actor.
Inamin niJake na mapili siya sa pangtanggap ng project. Ultimo maliit na details about the story, kailangang malaman niya. Last year, puro makabuluhang mainstream at indie film ang ginawa nito. Nand’yan ang Lihis, Status: It’s Complicated, When Love Is Gone at Tuhog.
“Hindi sa nagiging choosy ako accepting movie project. If it’s worth doing it kahit libre, walang problema sa akin. It’s more on the project and the role I’m going to portray, maliit man siya o malaki,” turan ni Jake.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield