BINIGYAN NG break ni Mr. Johnny Manahan ang Star Magic Workshops Acting Workshop for Teens and Adults Batch October 2011 na ma-ging bida sila sa digital film na Anino. It is a 1-2 hours full–HD Digital film broadcast quality production. Sa nasabing digital film, pinasyalan namin sina Jake Cuenca at Direk Rahyan Carlos (Star Magic Artist Training Head at Film and TV director) sa kani-lang last shooting day sa Antipolo, Rizal.
Sa dinami-rami ng artista sa Star Magic, bakit si Jake ang napili ni Mr. M for the role as Mr. Paraiso? “Pinaki-usapan ako ni Mr. M to do it with Direk Rahyan. Naalala ko noon, sa kabila ako nagsimula (GMA-7), that time may special project din silang ginawa. First time ako naging bida. Nang inalok sa akin ito, sobra kong na-appreciate ‘yung passion ng workshoppers kasi nga, me myself is a workshopper. Kahit three days lang akong nag-shoot, ‘yung character ko ang nagtatahi ng istorya. Bale ang workshoppers ang bida,” bungad na sabi sa amin ng binata.
Sinabi rin ni Jake na hindi siya tumanggap ng talent fee sa proyektong ito ng Star Cinema. Gusto lang daw niyang suportahan ang mga baguhang artista. “Sobrang bait sa amin ni Mr. M. para siyang tatay sa aming lahat na artista. Kapag siya na ang nakiusap, hindi ka puwedeng humindi. Minsan ka lang magkakaroon ng pagkakataong magpasalamat sa kanya. Ginawa ko ito, for the love of Star Magic. It will be screened during the red carpet premiere night on March 19, venue is TBA,” say pa niya.
Na-impress si Jake sa mga baguhang artista ng Star Magic. Nakaka-emote na raw ang mga ito in front of the camera. “First scene ko, nagulat ako. I’m expecting very new actors pero ang galing nila. Umiiyak na agad, nakakaarte na. Kita mo agad ‘yung passion nila sa trabaho. Iba talaga ang training ng Star Magic. Kita mo, hindi pa sila sumasalang sa showbiz, magaling na silang umarte,” pagmamalaking wika ng aktor.
Ikinuwento rin ni Jake ‘yung bago niyang teleser-yeng kinunan sa Middle East. “I’m really excited for the soap. Kakaiba siya, seventy percent ng show, shoot namin du’n. Iba talaga ang kagandahan ng Middle East. Hindi pa tapos, although masayang-masaya raw ang management. They really love the story, naghahanap lang sila ng tamang timing kung kailan ipalalabas. Napakahirap mag-taping doon, istrikto, ang daming patakaran. Kilala naman ninyo ang personality ko, malambing ako lalo na sa mga kaibigan ko. Hindi talaga siya naging bakasyon kasi, every day kaming nagtatrabaho. Pagdating ng last day, sobra kaming latang-lata, we’re so tired. Wala kang makita du’n, lahat ng babae nakataklob doon. Pigil, pinigilan ko talaga.”
Kumusta naman ang working relationship ninyo ni Shaina Magdayao? “Sobrang honored ako, to be working with her. Ibang-iba si Shaina rito, I’m so proud of her. Finally, she’s a woman. Hindi na siya si Shaina na we all know magmula nu’ng bata. Magugulat talaga kayo kung papaano siya naging palaban. Kung paano rin niya sineryoso ‘yung ibang mga intimate scene namin. Imagine, sa lahat ng project namin, we we’re able to do scenes like that. In this project, parang nag-oozing ‘yung confident niya. Nakikita mo talaga, lumalabas ‘yung passion niya sa pagiging wo-man. Siguro, nag-plus-plus ‘yung experiences niya and this is the out-come. A very very good outcome,” pahayag ng aktor.
Sa mga intimate scene nina Jake at Shaina, nag-init ba naman ang pagkalalaki ng aktor? “Well, naka-in character lang kami pareho. Gusto lang naming ilabas ‘yung kung paano talaga ang mag-asawa. Siyempre, kapag OFW ka, hindi mo nakakapiling ang asawa mo lagi. So, kapag nagkita kayo, may fireworks talaga, may pasabog,”aniya.
Hindi kaya magselos si John Lloyd Cruz kapag napanood niya ang love scene ninyo ni Shaina? “I think, he will be very proud of Shaina. Ako, hands down ako sa kanya. Hindi ko na-picture na makakagawa kami ng mga ganitong klaseng eksena. Na makakagawa kami ng seryosong drama na ganito.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield