IPINAGTANGGOL ni Paulo Avelino si Jake Cuenca sa akusasyong lasing ito nung habulin ng mga pulis ang minamanehong sasakyan kamakailan lang sa Mandaluyong na umabot pa hanggang Pasig.
Dadalawin dapat ni Jake ang kaibgang si Paulo na nagkasakit bago nangyari ang insidente.
Ayon sa kampo ni Jake, nataranta ang aktor kaya pinatakbo nang mabilis ang kanyang SUV. Natakot daw siya para sa kanyang buhay dahil hindi naman mga naka-unipormadong lalaki ang humabol sa kanya kundi naka-civilian na bahagi pala ng isang anti-illegal drug operation
“Nalito na kasi, si Jake kasi lutang nu’ng kausap, takot na takot kasi binabaril siya, pasigaw na siyang nagkukuwento habang nagda-drive hindi niya alam bakit siya binabaril.
“Hindi siya nakainom kaya nga walang mailabas na medical report kung nakainom or something kasi wala talaga,” paliwanag ng kampo ng aktor.
Giit pa niya, “Hindi siya nakainom kaya nga walang mailabas na medical report kung nakainom or something kasi wala talaga. Under quarantine nga si Jake so hindi siya puwedeng uminom o anuman, nataon lang na gusto niyang damayan si Paulo kasi nga kagagaling lang sa sakit.”
Na-trauma din daw si Jake dahil sa nangyari.
“Hayan ang nangyari kaya alam mo yung takot niya bakit siya umabot sa ganu’ng sitwasyon? May work siya, need niyang mag-quarantine tapos ganyan nga,” rason pa ng kampo ng aktor.
At dahil na-expose si Jake sa ibang tao ng arestuhin at dalhin sa Mandaluyong Police Station na noon ay under-quarantine kaya mauurong ang pagpasok niya sa lock-in taping ng teleseryeng Viral.
“Hangga’t maaari ayaw niyang makipag-usap kasi ang daming nagtatanong, may trauma. Tapos dumagdag pa yung mga nababasa niya sa social media, sobrang bina-bash siya, sabi ko nga ‘wag na muna magbasa kasi mai-stress lang talaga siya,” dagdag pa ng kampo ng aktor.