KALOKA ANG text sa amin ng isang kaibigan na nasa backstage ng Bench Universe Fashion show sa MOA Arena last Thursday.
Bukod sa naging “Flesh Festival” ang show na nagpupumitlag ang mga bukol ng male celebrities and models sa masikip na mga underwear na suot nila, malalaman mo sa hiyawan at palakpakan ng audience kung sino sa mga stars ang tunay na star noong gabing ‘yun.
Bukod sa nagpakita ng kanyang butt si Jake Cuenca, hindi naman nagpatalbog si Paulo Avelino sa gimmick niya na kunwari ay tatangalin niya ang suot na underwear.
Pero sa likod ng mga hiyawan at katuwaan ng mga beki at mga kababaihan, may eksena pala sa backstage.
Dalawang mga bakla ang nagtarayan. Isang sikat na fashion designer at isang celebrity make-up artist.
Matapos rumampa si Jake at Paulo, ang dalawang beki ay nag-agawan sa suot-suot na underwear ng dalawang “sex symbol”.
Say ng designer na narinig ng source namin sa hawak-hawak na underwear ni Jake: “This is mine. Walang makikialam,” sabay lagay nito sa kanyang harapan (sa loob ng kanyang brief) para wala na makakuha.
Si Make-up artist naman, dahil sa crush si Jake, ang ginawa ay hinablot mula sa designer ang underwear na sinuot ng actor na nakasuksuk sa harapan naman gay designer.
Hayun at nauwi sa short commotion between the two bekis pero ang ending, ang underwear na suot ni Jake ay napunta pa rin sa designer na nag-design nito noong gabing ‘yun.
BASED ON facts, mas kumita pala ang pelikulang The Mistress kum-para sa pelikulang No Other Woman in terms of duration of showing.
As of Wednesday, mahigit na 100 million ang box office returns ng pelikula kumpara sa pelikula nina Anne Curtis, Derek Ramsey at Cristine Reyes.
Siguro, kung hindi lumipat ng Kapatid Network – TV5 si Derek, sa kanya napunta ang role ni John Lloyd Cruz.
Pero blessing indisguise na rin dahil sa mga tagaha-nga nina JLC at Bea, isang magandang project ang obra ni Olivia Lamasan ang pelikula.
Not even ang pelikula ni Vilma Santos na The Healing ay mapapantayan or makakalahati man lang sa box-office returns ng The Mistress.
Kaya nga ang local producers natin, kabado kapag may pelikulang ipalalabas dahil hindi maiiwasan na maikukumpara ito sa result ng The Mistress.
Ang Guni-Guni ni Lovi Poe, isang guni-guni at bangungot sa pagsemplang sa takilya.
Intelihente na rin kasi ang publiko ngayon. Kung maganda ang pelikula, sila mismo ang kusang magpo-promote nito just like what happened to The Mistress.
Kami mismo, kumbinsido na it’s Bea Alonzo’s best. Mas maganda ang pelikula kaysa sa No Other Woman ng tatlo.
Kaya nga sa nalalapit na pagpapalabas ng Tiktik: The Aswang Chronicle na isang horror movie (tipong From Dusk Till Dawn ni Antonio Banderas a few years ago), sa trailer pa lang, impress na kami. Very Hollywoodish ang obra ni Erik Matti.
Sa panahon na mahal manood ng sine sa malls (almost 180 to 200 pesos na), ang tao nag-iisip na kung anong pelikula ang panonoorin.
Kaya ang mga Noranian, magsi-mula nang mag-ipon ng 180 pesos para makapanood ng Thy Womb na pelikula ni Nora come last week of November.
Ang mga Pinoy, wais na rin. Kung pangit ang pelikula, dini-deadma. Hindi mag-aaksaya ng pera para makapanood lang para makapagpalamig sa loob ng sinehan.
Reyted K
By RK VillaCorta