Knowing Davao City Mayor Rody Duterte who believes in his own standards of righteousness ay hindi rin niya palalampasin ang tinuran ni Jake Ejercito, anak ni Manila City Mayor Erap Estrada, on his Instagram account, na wala nang maaasahang boto sa kanya. Baka nga as this issue comes out ay binuweltahan na ni Digong si Jake.
A big fan of the mayor, nag-iba na ang direksiyon ng hangin for Jake Ejercito, this after a series of headline-grabbing issues na kinapalooban ni Digong of late. Ani Jake, epektibo si Duterte sa Davao but he’s not an ideal leader of a sovereign state.
Personally, this writer shares the same feeling. Gusto namin noon si Digong until the Papal visit, and since then ay binitawan na namin ang aming pagkagusto sa kanya borne out of our belief in his platform to wage a ruthless battle against criminality and corruption, kahit sabihin pang too good to be true ‘yung kanyang three-to-six months self-imposed period to do that.
In our last Monday column, topic namin si Arnelli Ignacio who we suppose sponsored Duterte’s giveaway wristwatches. For sure, by now he must be on the side of Jake, and perhaps all the others whose minds are directed sa mas matuwid na pag-iisip, and hopefully mas matuwid na pagpapasya in the May 9 historic event.
Tuwid na pagpapasya, hindi tuwid na daan, ‘no!
IN MANY a teledrama, parang bawang na lagi nang nakasahog sa kuwento ang mga bading as though the absence of a limp-wristed character will not make the story stand on its own.
Sa “Bakit Manipis ang Ulap?” ng Viva TV on TV5, ang assistant ng fashionistang si Vera (Ruffa Gutierrez) ay bakla. Intrimitida, mahadera but not the typical screaming fag na pakembut-kembot sa kalye.
But talk about a higher level of kabaklaan sa pagkatao ng character actor at personal friend naming si Jim Pebangco—whose services along with Direk Joel Lamangan’s are a package deal—who plays a family friend to the Villafuertes who has his driver Gary for a lover.
Ikinaloka ni Manuel (Jim) ang tagpong kanyang nahuli: ang laplapan scene nina Alex (Meg Imperial) at Gary sa opisina. Next scene, umamin na si Gary kay Alex tungkol sa kanilang relasyon ni Manuel whom he (Gary) does not love, kundi pinagtitiyagaan lang kasamahin for material favors.
Mas kumakapal tuloy ang kuwento dahil sa mga subplot na ito, na hindi lang basta sumesentro ngayon kay George (Diether Ocampo) who rose from the “dead” at kung paanong magiging kumplikado ang mga buhay nina Marla (Claudine Barretto) at Alex na kanyang “naulila”.
SA TOTOONG buhay nga ba’t may among lalaki na iibig sa kanyang kasambahay? Well, this is so true sa itinatakbo ngayon ng kuwento sa Tasya Fantasya, not just one amo but two!
Sa sobrang pagka-smitten ni Noel (Mark Nemann) kay Tasya (Shy Carlos), nakisimpatya ito sa pinalayas nitong pamilya, he got himself a rented room malapit sa tinutuluyan ng kanyang sintang pururot. Samantala, ang isa pang anak ni Ara Mina roon na si Imer ay dyowa na ni Jala, anak ni Giselle Sanchez, ang mag-inang chimi-aa rin.
But wait, kailangang may magwakas sa kabaliwang ito ni Noel, so ang kanyang feeling girlfriend na si Leina hatches an idea kung paano sila paghihiwalayin. She hires a band of kidnappers to abduct Tasya.
Umubra kaya ang magical powers ni Tasya—now that she has discovered na isa siyang diwata—to fight off her evil nemesis na isa ring makapangyarihan?
Abangan ang kaagutan sa tanong na ‘yan sa darating na Sabado, alas otso ng gabi, sa Carlo J. Caparas’ Tasya Fantasya mula sa direksiyon ni Ricky Rivero, pagkatapos ng #ParangNormalActivity.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III