MORE THAN two years na pala silang magka-relasyon sabi ni Jake Vargas. Kung noon palihim nilang sini-share sa isa’t isa ang pagmamahalan nila, this time, mas open na sina Jake at Bea Binene.
“What you see is what you get,” sabi ni Bea sa presscon ng bago nilang primetime teleseryeng Strawberry Lane na magsisimula na sa Lunes (September 15 pagkatapos ng 24 Oras).
Happy ngayon si Jake sa relasyon nila ni Bea. Mas less ang problema kumpara noon na dahil medyo bata pa sila, palihim nila itong itinatago mula sa mga malalapit nilang mga kaibigan, lalo na sa Mommy ni Bea na laging nagbabantay sa kanila.
This time, sa muling pagiging aktibo ng JaBea loveteam sa showbiz with a new show, excited ang dalawa, lalo na ang binata dahil mas open na sila. Mas lalo sila magiging close dahil sa halos magkapareho sila ng taping schedules.
Kasama rin sa serye sina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, TG Trinidad, Christian Bautista at ang mga seasoned actresses na sina Boots Anson Roa at Chanda Romero sa direksyon ni Don Michael Perez.
USO ANG mga pelikulang kakatakutan na kung minsan, may mga kababalaghan na nangyayari habang sinu-shoot ang isang project. May mga nagpaparamdam at nagpapakita.
Sa pelikulang Dementia ni Nora Aunor (showing sa September 24) na first film directorial job ni Perci Intalan, may photo si Chynna Ortaleza para sa test shot na may nakasamang isang babae na nakapangkasal (covered by a vail) na tipong circa 30’s na kung titingnan mo, isang multo ito sa likuran ng aktres.
Nakakatakot ang litrato. Hindi na rin ito bago dahil kung minsan may manifestation ang mga namatay na sa mga taong buhay lalo pa’t may konesyon sila sa mga ito. I just wonder kung ang props na vail na ipinatong kay Chynna during the test shot ay bago or binili sa ukay-ukay na pag-aari ng isang namatay. Kaya ingat sa mga ukay-ukay.
Ako, kahit takot sa mga na kababalaghan tulad sa mga multo, patay, kabaong at mga super natural; aminin ko, nage-enjoy ako manood ng mga pelikulang kakatakutan basta huwag lang mga katsipang zombies movies.
Reyted K
By RK VillaCorta