Jake Vargas, binastos ang kapwa-Kapuso na si Ken Chan?!

Jake-Vargas-Ken-ChanMARIING PINABULAANAN ni Jake Vargas na hindi niya intensiyong mabastos ang kapwa Tween Star na si Ken Chan sa launching ng album nito at ni Bea Binene na ginanap kamakailan, kung saan sinasabing umeksena si Jake at inawit ang kantang para kay Ken na ka-duet si Bea.

Ayon nga kay Jake, pumunta siya roon para suportahan ang kanyang ka-loveteam na si Bea at si Ken na kapatid niya sa Walang Tulugan With The Master Showman, wala siyang intensyong kumanta ng araw na iyon. Naatasan lang siyang makipag-duet kay Bea nang araw na iyon kaya naman dahil ka loveteam niya ang dalaga at nandoon na rin naman siya, pinaunlakan niya ang pakiusap sa kanya.

Dagdag pa ni Jake na bago siya kumanta ay nakapag-duet na sina Ken at Bea ng kanta nilang nasa album at sinundan daw ito ng duet nila ni Bea. Kaya wala raw bastusang naganap dahil ang kanta namang kinanta nila ni Bea ay solo song ni Bea na sabay lang nilang inawit.

Hinding-hindi raw magagawa ni Jake ang mambastos ng kasamahan sa trabaho lalo na’t pareho pa sila ng manager na si Kuya Germs Moreno, dahil ayaw rin naman daw nitong mangyari sa kanya ang mabastos ng iba.

Ken-Chan-Jake-Vargas

ISANG BONGGANG selebrasyon ng kaarawan ng mahusay na mang-aawit na si Michael Pangilinan ang magaganap sa Nov. 26, 2013 sa Zirkoh Tomas Morato Quezon City at ito ay ang “18MPH”, kung saan sasamahan siya ng kanyang mga espesyal na panauhin.

Mula kina Luke Mijares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Carlo Aquino, Miss Tres, Prima Diva Billy, Willy Jones, AJ Tamisa, Chazz at Gladys Guevarra. Aawitin ni Michael ang ilang awiting nakapaloob sa kanyang album at mga awiting tiyak na kagigiliwan at magpapakilig sa mga kababaihang manonood.

Kaya naman go na at makiselebra sa natatanging araw ni Michael.

AFTER NG pagpapalabas ng Kahit Nasaan Ka Man, balik-eskuwela (San Beda College, Mendiola) ang mahusay na teen actor ng Kapuso Network na si Kristoffer Martin.

Masayang-masaya ngang ikinuwento nito na nag-aaral na siyang muli after nitong huminto dahil na rin sa sunud-sunod na trabaho. Pero ngayong tapos na ang kanyang soap at habang naghihintay pa ng kanyang panibagong trabaho ay mag-aaral daw muna siya.

Sa ngayon daw, ang SAS (Sunday All Stars) ang regular show nito sa Kapuso Network, pero nangako naman ang GMA na habang wala pang regular show ito ay igi-guest muna siya sa iba’t ibang show ng Kapuso Network.

Wish nga ni Kristoffer na nagdiwang ng kanyang 18th birthday na sa kanyang susunod na proyekto ay gusto nitong makatrabo muli si Julie Anne San Jose, dahil masyado silang nagkagaanan ng loob simula ng magkasama sila sa Kahit Nasaan Ka Man.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRocco Nacino, walang tiwala sa workshop ng Siyete?
Next articleMarian Rivera, ‘kabiyak’ na ang tawag kay Dingdong Dantes!

No posts to display