MAGSESELEBRA NG kanyang kaarawan ngayong July 9 ang Kapuso teen star na si Jake Vargas at sa pagtungtong niya ng edad 22, may 3 wishes daw ang teen actor para sa kanya, sa kanyang pamilya at para sa blooming relationship nila ni Bea Binene.
Kuwento nga ni Jake, “Ang unang wish ko sana, lagi akong bantayan ni Lord at sana maging successful pa itong career ko. Sa family ko, ang wish ko sana walang magkakasakit sa kanila, sana maging happy sila sa pang araw-araw at sana ‘wag silang idadamay sa tuwing may intrigang ibabato sa akin.
“Ayoko kasing nadadamay sila , kasi hindi naman sila showbiz. Siguro kung may iintrigahin, ako na lang, ‘wag na lang silang idamay. Ayoko rin kasing masaktan sila nang dahil sa akin, lalo na kapag tungkol sa showbiz. Gusto ko lagi lang silang masaya. Kapag nakikita ko silang masaya, masaya na rin ako. Ayoko kasing may dumarating na problema.
“And wish ko rin para sa kanila na matapos na ‘yung bahay namin, kasi hindi pa tapos hangang ngayon. Hopefully this year matapos na. Para sa kanila kasi ‘yun.
“Wish ko para kay Bea, siguro good health sa kanya at sa kanyang family at sana lagi siyang masaya pati na rin ang family niya. ‘Pag masaya siya, masaya na rin ako. More projects para sa kanya, para tuluy-tuloy ang dating ng blessings.”
Wala na raw mahihiling pa si Jake sa kanyang kaarawan sa dami ng mga magagandang bagay na meron siya.
“Actually, masyadong blessed na ako, kasi meron akong supportive at masayang pamilya, maganda rin ang takbo ng career ko kung saan meron akong 3 shows (Pepito Manaloto, Walang Tulugan With The Master Showman at Sunday All Stars).
“Hindi rin naman ako ma-gadget na tao, kung anong meron ako, masaya na ako du’n. Kaya wala na siguro akong gustong hilingin pa.”
Pero if ever daw na may magbibigay ng regalo sa kanya, “Siguro ‘pag merong magbigay ng regalo, kahit ano man ito, tatanggapin ko. Lalo na ‘pag sports car. Hahaha! Katulad ng Camaro o Mustang. Hahaha! Kung meron lang magbibigay, maa-appreciate ko nang husto ‘yun,” nakangiting pahayag ni Jake.
“Biro lang ‘yun. Hahaha! Alam ko naman na walang magbibigay sa akin ng ganu’n kamahal na sasakyan. Siguro pag-iipunan ko na lang para magkaroon ako. Hilig ko talaga ang sports car at kahit nga meron na akong isa, gusto ko magkaroon pa. Sa ngayon parang hindi ko pa kaya, pero soon alam ko magkakaroon din ako ng mga dream car ko,” pahayag ni Jake.
Sikat na Fil-Am sa USA, ratsada sa dami ng shows sa ‘Pinas
AFTER MAG-GUEST sa NET 25’s Pambansang Almusal, nakatakda namang mag-guest sa GMA 7’s Walang Tulugan With The Master Showman at NET 25’s Music and Letters ang Fil-Am na sikat sa California, USA na si Boogie B para i-promote ang kanyang Philippine Tour na hatid ng Ferrara MultiMedia Inc., in cooperation with Tycoon Events and Dream Out Loud Events.
Ilan pang mga lugar na magbibigay-aliw si Boogie B ang mga sumusunod: July 11, Malolos Bulacan; July 12, San Pedro, Laguna; at sa July 18, Palace, Olongapo. Makakasama nito sa kanyang Philippine Tour sina Jay Go (Filipino born and raised in California and won the prestigious award Voice of California), DJ Daverukus (Mexican) and Friskolay (African-American R&B-Hiphop singer).
MASARAP NA hapunan ang inihanda ng one of a kind restaurant sa Bansa na matatagpuan sa President Tower, Timog Ave., Quezon City, ang Jet7 Bistro sa mga mga piling kapatid sa panulat, bloggers, artista at DJ’s ng iba’t ibang radio stations para ipatikim ang masasarap nilang pagkain sa kanilang presscon/ press party na ginanap last July 7, 2014.
Bukod sa masarap na pagkain (mix of excellent food from all over the world), maganda at first class ang serbisyong hatid ng mga waiter ng nasabing restaurant. At habang kumakain ka ay aawitan ka ng mga dekalibreng mang-aawit sa bansa na regular na tumutugtog sa Jet7 Bistro katulad ng Freestyle, atbp.
Ilan sa nakita naming personalidad na dumalo sa nasabing event ay sina Chuckie Dreyffus, Kristine Dera, Jai Ho ng MOR, Mama Emma ng LS FM, Janna Chuchu ng DZBB, atbp.
John’s Point
by John Fontanilla