Jake Vargas, ‘di raw tumatanggi sa trabaho

Jake-VargasMARIING PINABULAANAN ni Jake Vargas na tumatanggi siya sa trabaho kaya naman until now ay wala pa rin siyang soap sa Kapuso Network na almost a year na ang nakalipas since natapos ang soap niyang Home Sweet Home.

Kuwento nga ni Jake, “Hindi totoo ‘yan! Bakit naman ako tatanggi sa trabaho eh, masarap na meron kang trabaho. Mahirap yatang mabakante, wala kang ginagawa. Mas masarap ‘yung lagi kang may trabaho.

“Ako pa eh, napaka-workaholic ako at alam naman ng marami na kaya ako nagtatrabaho nang nagtatrabaho ay para na rin sa pamilya ko.

“Siguro lang, kaya matagal bago masundan ‘yung soap ko, dahil na rin sa wala pang bumabagay na role sa akin. Tsaka hindi lang naman ako ‘yung nababakante sa paggawa ng teleserye ngayon. Marami rin ang naghihintay pa ng trabaho.

“Tsaka papano nila sasabihin na tumatanggi ako sa trabaho eh, tatlo-tatlo ‘yung regular shows ko. Meron akong Pepito Manaloto, Sunday All Stars at Walang Tulugan With The Mastershowman. Who knows, ‘di ba? Baka this year, magkaroon na ako ng teleserye.

“Pero ang dapat nilang abangan, ‘yung ginagawa kong pelikula na pang-Cinemalaya, ang Asintado na mula sa direksiyon ni Direk Louie Ignacio. Excited nga ako, kasi first Cinemalaya movie ko ito at first ko ring makakatrabaho sa pelikula si Direk Louie na alam naman nating sobrang galing at metikuloso pagdating sa pagdidirek ng pelikula.

“Ang hirap nu’ng role ko dito kasi probinsiyano ako na may punto ‘yung salita. Heavy drama siya, napaka-challenging nu’ng role ko, ibang Jake Vargas ang mapapanood nila sa Asintado,” ayon pa kay Jake.

MJ Cayabyab, binigyan ng bagong buhay ang ‘Larawang Kupas’

 

VERY THANKFUL daw ang singer na si MJ Cayabyab sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang revival hit song na Larawang Kupas na originally ay kinanta ni Jerome Abalos. At sa pagtangkilik nga ng mga Pilipino sa kanyang own version ng nasabing kanta, may bagong single na hatid si MJ sa kanyang mga tagahanga.

Tsika nga ni MJ, “Sobrang thankful ako, dahil nag-click ‘yung revival ko ng “Larawang Kupas” na originally kinanta ni Jerome Abalos. Sabi nga nila, mahirap ‘pag pareho mong male singer ang iri-revived mong kanta, dahil magkakaroon at magkakaroon talaga ng comparison.

“Kaya nga nang sinabi sa akin na kasama sa album ko ‘yung Larawang Kupas, kinabahan talaga ako. Naglalaro sa isip ko na baka ‘di magustuhan ng Pinoy music lovers ‘yung sarili kong rendition. Kaya inaral nang inaral kong mabuti ‘yung kanta at binigyan ko ng sarili kong version na iba sa version ni Jerome.

“Mabuti na nga lang marami ang nagsabing nabigyan ko ng justice ‘yung kanta at nagustuhan nila. Sabi nga ng iba, nabigyan ko raw ng bagong buhay at kulay ‘yung kanta, du’n pa lang happy na ako.

“Ang mahalaga kasi sa katulad kong performer, ‘yung nagugustuhan ng mga tao ‘yung song na iparirinig mo sa kanila, at ‘pag nagustuhan, ‘yun, fulfilled na ‘yung pagiging singer mo. Kaya nga thankful talaga ako sa mga taong nagkaka-gusto ng version ko ng Larawang Kupas,” pagtatapos ni MJ.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBangs and Sam, second chance?
Next articleJinggoy Estrada at JV Ejercito, talo-talo talaga

No posts to display