HANDANG-HANDA NA rin daw sumabak sa pagtanggap ng matured role ang Prince of Mall Show na si Jake Vargas. Kung ang kanyang mga co-tweens na sina Kristoffer Martin at Teejay Marquez ay pumayag na tumanggap ng gay roles sa Magpakailanman, hindi naman daw pahuhuli at gusto na ring subukan ni Jake ang ganitong klaseng role.
Tsika nga nito, “Siguro gusto kong i-try. Bakit naman hindi? Part of maturity na rin sa pagtanggap ng mas matured na role.
“Hindi naman kasi all the time ‘yung puro pa-tweetums ‘yung role na gagawin ko. Dapat iba-iba, dapat ‘yung sa bawat project may bago at matsa-challenge ako.
“Kung nakaya ng mga co-tweens ko na sina Teejay Marquez at Krisoffer Martin na parehong lumabas na bading sa Magpakailanman, bakit naman hindi ko subukan.
“Alam ko naman na kaya ko, kasi sa dami ng mga nakikilala kong bading sa showbiz, may idea na ako kung papa’no sila magsalita, kilos at galaw nila.
“Pero kung may gagayahin ako, ang gusto ko si Kuya Bitoy (Michael V.) sobrang galing niya. ‘Pag nagbakla-bakla na siya o nagbabae-babaehan, akala mo in real life, ganu’n siya, madadala ka talaga.
“Ako na nga mismo ‘pag napapanood siya natatawa ako sa sobrang husay niya, eh. Lagi ko siyang nakakasama at alam kong lalaking-lalaki siya sa totoong buhay. What more ‘yung ibang tao na hindi naman siya nakakasama at napapanood lang siya, pero nag-e-enjoy at natatawa nang husto sa ginagawa niya.
“Very effective siya sa pagbabading-bading na role. Kaya nga if ever na mabibigyan ako ng role na bading, siya ‘yung gusto kong gayahin.
“Pero not totally gayahin kasi baka ang mapanood na ng tao habang ginagawa ko ‘yun, si Kuya Michael na. Siyempre pagsasama-samahin ko ‘yung mga nakikita ko sa mga bading na kakilala ko para mas maging effective.
“Feeling ko naman kasi kaya ko na, hahaha! Katulad nga ng sabi ko kanina, sa dami ng kakilala ko at nakakatrabahong bading sa showbiz, puwede ko na silang gayahin.
“Sa akin isa na siguro ‘yun sa very challenging role na puwede kong gampanan, ang pagiging bading. Kasi in real life naman, lalaking lalaki ako,” pagtatapos ni Jake.
John’s Point
by John Fontanilla