IPINANGANAK SI GABRIEL ‘Gab’ Valenciano sa showbiz royalty na sina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Pero mas pinili nitong makilala sa sariling pagsisikap at makarating sa kinalalagyan niya sa industriya ngayon.
Ayaw gamitin ni Gab kanyang amang si Gary. Naging champion siya sa Shall We Dance ng TV5 at naging host ng Club TV at ngayon sa ASAP Rocks. Binuksan ni Gab ang 2011 with a series of impressive pro-jects gaya ng kanyang unforgettable ope-ning number sa much-talked about 1@11 fashion and concert.
Isa rin siyang producer and musical arranger. He re-arranged Rey Valera’s classic ballad ‘Naaalala Ka’ para kay Jericho Rosales sa Change album nito. Ang music video naman nito ay umabot sa number 2 slot sa MYX Countdown.
Gab also collaborated with Jericho by producing and arranging ‘Bumuhos Man Ang Ulan’, ang theme song ng Green Rose ng ABS-CBN.
PATULOY PA RIN ang ikot ng mundo ng Sexbomb Girls kahit wala na sila sa Eat Bulaga. kung Ngayon ay semi-regular namang napapanood ang grupo sa Happy Yipee Yehey at sa ilang shows ng GMA-7.
Kailangan kasing magtrabaho ng bawat miyembro ng Sexbomb dahil mga breadwinner sila ng kanilang pamilya. Kung sila lang daw ang masusunod, ayaw nilang mabakante sa trabaho. Kapag may trabaho nga naman, meron silang kita na itinutulong sa kanilang mga mahal sa buhay.
Bukod sa kanilang mga gig sa telebisyon, malls, at out-of-town shows, meron ding summer workshop ang grupo sa acting at dance para sa 6 to 12 years old kids, at 13 years old and above naman for teens and adults, na sila mismo ang magsu-supervise.
Sa mga interesadong mag-summer workshop, makipag-ugnayan lang kina kuya Butch at ate Bien sa numero 982-4467.
KAYOD MARINO NGAYON ang young actor na si Jake Vargas. Tatlo ang kanyang regular shows: ang Tween Hearts, Walang Tulugan with the Master Showman at ang Captain Barbell na isang super hero ang role na kanyang gagampanan.
Tsika ni Jake, hindi niya iniinda ang pagod at hirap ng taping kahit na sa Olongapo pa siya nanggagaling at umuuwi dahil gusto niyang makaipon para maipagamot ang kanyang mahal na inang may cancer. Breadwinner din ng kanyang pamilya ang young actor.
MARAMI KAMING NATATANGGAP na mensahe sa Facebook at e-mails na nagtatanong kung bakit nawala ang L Boys sa game show ng TV5 na Lucky Numbers hosted by Eugene Domingo at Keempee de Leon.
Lungkot na lungkot ang mga tagahanga ng guwapitong grupo. Tsika pa nila, hindi na raw nila papanoorin ang nasabing game show kapag hindi na nila napanood doon ang L Boys.
Ano raw ba ang dahilan ng pagkatsugi nila sa Show? Well, ‘yan ang itatanong natin sa production ng Lucky Numbers.
John’s Point
by John Fontanilla