BINASAG NA ng talented singer na si Jake Zyrus ang kanyang pananahimik dahil hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ito ng transphobia.
Dating kilala sa bundo bilang Charice Pempengco o Charice, tuluyang niyakap ni Jake Zyrus ang kanyang pagiging transgender o transman noong 2017.
Sa isang ngayo’y burado nang Instagram story ay sinagot nito ang mga taong palaging sinasabi na namimiss nila si Charice.
“I don’t care if you want to listen to my Charice songs all d*mn (sic) day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you d*mb*ss m* (sic), boses ko parin yon, nag-transition lang,” sinulat ni Jake.
Dagdag pa niya, “Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman yon, pero para ipangalandakan mo na ‘Charice is coming back’ and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo m* transphobia *ss (sic) away from me,”
Ito na raw ang pinakahuling pagkakataon na magsasalita ito tungkol sa kanyang frustration. Nilinaw naman niya na nagpapasalamat pa rin siya sa mga taong sumusuporta sa kanyang nakaraan at sa kasalukuyang tinatahak ng kanyang singing career.
Noong May 17 ay nilabas na rin ang music video para sa kanta niyang ‘Fix You’ na ngayon ay isa sa LSS songs namin.
To Jake Zyrus, just do you and keep slaying!