‘DI PAHUHULI SA isyu ng suhulan, inaakusahan rin ng umano’y tangkang panunuhol ni Senador Jamby Madrigal ang kapwa presidentiable na si Nacionalista Party bet Manny Villar kaugnay ng kontrobersiyal na C-5 road extension project.
Sa isang programa sa telebisyon, isiniwalat ni Madrigal na sinadya siya umano ng isang emisaryo ni Villar para bigyan ng P1 bilyon kapalit ng pagbawi niya sa ethics complaint na isinampa niya laban kay Villar kaugnay ng C-5 road project. Bago pa aniya ito, tumataginting na P100 milyon ang naunang offer ng umano’y emisaryo ni Villar na kanyang tinanggihan.
Samantala, dedma lang sa isyu si Villar gaya ng ginawa niyang pagdedma sa akusasyon nina presidentiable Dick Gordon at ni Senate President Juan Ponce-Enrile. Marami naman ang kumukuwestiyon sa motibo ni Madrigal lalo pa’t ‘di tumataas ang ratings nito sa mga sarbey ng nangungunang presidentiables.
Pinoy Parazzi News Service