Si James Blanco ang bida sa ToFarm Film Festivel entry na “Pilapil”. First time niya to play the title role at masaya siya sa experience na finally, nakagawa siya ng indie movie.
“Mahirap na masarap ‘yung experience. Mahirap, kasi summer at mainit nu’ng sinusyuting namin ang ‘Pilapil’, lalo do’n sa mga fight scene namin sa bukid. Masarap naman, kasi sa akin umiikot ‘yung istorya,” kuwento ng aktor.
James Blanco plays the role of Victor na iniwan ang bukid para maghanap ng magandang buhay sa Maynila. In the course of his adventure and misadventures in the metropolis — he meets the blind boy named Boknoy portrayed by David Remo.
Ayon sa direktor ng “Pilapil” na si Jojo Nadela, madaling katrabaho si James.
“Madali mo kasing ma-motivate ‘yan. Madali mong mabigyan ng instructions. Parang lalaking Nora Aunor ‘yan. Kapag kinausap ko na ‘dito ba James p’wede mo ba akong bigyan ng luha rito,’ kaya niyang ibigay.”
Ayaw namang mag-expect ni James na mananalo siya ng best actor sa performance niya sa “Pilapil”.
“Ginawa ko lang ’yung hinihingi sa akin. Kung magka-award, bonus na lang ’yon,” reaksyon niya.
La Boka
by Leo Bukas