ISA NA namang aspiring singer ang gustong pasukin ang mundo ng musika sa katauhan ni James Joshua ‘Josh’ Yape, Grade 8, sa Pag-asa National High School, 14 years old.
Paborito niya sina Aegis, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Angeline Quinto. “Magagaling po silang kumanta, gusto ko po ‘yung timbre ng boses nila. Sa tuwing nagpe-perform nga po sila on stage, pinanonood ko at pinag-aaralan ko ang technique. Gusto ko rin kasing matuto na i-impersonate sila.”
Aside from singing, keri rin daw makipagtagisan sa dance floor ni Josh like his idols John Prats, Billy Crawford, Vhong Navarro, at Enrique Gil.
“Dream ko rin po na makasama ang mga favorite singers ko na sina Aegis, Angeline, at Erik on stage. Isa po kasing malaking achievement ‘yun sa akin. Kaya naman sobrang masaya ako kung mangyayari po balang araw. Isa pa sa dream ko ay makasama ako sa isang TV show.”
Thankful ito sa suporta ng kanyang family. “Una po, nagpapasalamat po ako kay Lord sa ibinigay po niyang talent sa akin. Thankful din po ako kay Papa sa lahat ng sakripisyo niya sa ‘min, mabigyan lang kami ng magandang buhay. To my mom, salamat po sa suporta. Kahit may sakit po siya, kinakaya po niya para makita lang ako na nagpe-perform on stage. To my ate, thanks po sa suporta. Kaya natin ‘to, ate. To all my family, friends, salamat po at na-appreciate n’yo ang talent ko. To my Sir Reck Cardenales, Jun Tamayo, Coach Gary Cruz, Albert Tamayo, at Agatha Panganiban, salamat po sa pag-train, na-enhance ko po ang talent ko.”
Samantala, tapos nang mag-recording si Josh ng kanyang carrier single na Kahit Malayo Ka at on going pa ang recording ng kanyang second single na Maghihintay Ako.
John’s Point
by John Fontanilla