Naglabas ng statement ang Viva Artists Agency (VAA), ang management na humahawak sa showbiz career nina James Reid at Anne Curtis, na nagsasabing negatibo sa illegal drugs ang dalawa nilang prime artists.
“Unfounded rumors” umano ang mga ulat sa ilang pahayagan na nag-uugnay kina James at Anne sa paggamit ng iligal na droga tulad ng shabu at marijuana, ayon sa VAA.
Ayon sa nasabing statement, “These reports were broadcast on AM radio and published in several tabloids with only an unnamed ‘pusher’ as a source and with no further evidence to support the claim. “Ms. Curtis and Mr. Reid are aware of and give importance to the influence of artists in society as role models to the youth.
Nagkusa umano ang VAA at ang kanilang mga artista na isapubliko ang mga naturang resulta ng drug tests para ipaalam na rin sa publiko ang katotohanan at para ipakita ang kanilang suporta sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
Sabi ng VAA, “…VAA and its artists have taken the initiative to publicize the results to inform the public of the truth and to show support for the government’s campaign against illegal use of drugs.”
Kalakip ng inilabas na pahayag ng VAA ang resuta ng laboratory test mula sa Hi-Precision Diagnostics sa Mandaluyong City, na lisensyado ng Department of Health at accredited ng Dangerous Drugs Board para magasagawa ng drug test.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores