ISA MARAHIL sa dahilan kung bakit nagustuhan ko personally ang tambalang JaDine ay dahil totoo sila. Gusto ko kasi sa mga artista, transparent. Kung ano ang nasa sa isip nila o nararamdaman, sinasabi nila. Hindi sila naghahabi ng kuwento para magpasakay sa kanilang mga fans. Hindi rin sila naglulubid ng emosyon para magustuhan mo sila. Kaya nga gusto ko sina James Reid at Nadine Lustre, dahil what you see, is what you get.
Malinaw pa sa sikat ng araw, kahit mag-uulan man, na wala silang romantic attachment sa isa’t isa, na sila mismo, harapan at hayagan ay sinasabi sa publiko (lalo na sa mga tagahanga nila) at sa press kapag may nagtatanong tungkol sa kanilang dalawa. Kaya nga nang lumabas ang balita na ibang girl ang kasama ni James na nanood ng concert ni Ariana Grande kamakailan, oks lang. Ang mga JaDine fans, deadma dahil wala dapat maging isyu.
Kaya nga dahil sa pagiging transparent nila at totoo sa kanilang mga sarili, nagustuhan ko sila. Lalo na nang magtambal ang dalawa sa On The Wings Of Love na hangga’t maaari ay walang palya kong pinanonood gabi-gabi sa Kapamilya Network. Gabi-gabi hangga’t maaari, dapat mapanood ko ang bagong romcom ng Dreamscape Entertainment para kiligin naman ako sa pang-young adult na market ng palabas nila.
Kung nasa labas man ako ng bahay, gusto ko agad makauwi bago mag-9:00 pm para sundan ang pakikipagsapalaran nina JaDine sa Land of Milk & Honey para matupad ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay. Aliw ako sa dalawa bilang partners in crime na kunwari’y mga bagong kasal para sa tinatawag na “marriage for convenience” na sa totoo lang naman, nagsasalarawan sa totoong buhay ng mga mahal natin sa buhay sa Amerika na nakikipagsapalaran nang walang mga “papel”.
Gusto ko ang tambalang JaDine. Sa mga nakaraang pelikula nila, hindi ko kinakaligtaang panoorin dahil iba ang hatak ng dalawa sa akin. Last night, kahit pagod at gusto ko nang maidlip, napangingiti pa rin ako sa mga eksena nila habang pina-practice ang mga personal info ng isa’t isa para sa paghahanda nila sa pagharap sa INS para maniwala ang US Immigration na totoo ang kanilang kasal at hindi gawa-gawa lamang para magkaroon ng greencard si Nadine.
Funny ang eksena ng dalawa. Sa last Monday episode tungkol sa takot ni James sa ipis na ang restback ng binata sa kanyang “misis” ay sinadya nitong magluto ng sopas na may shrimp na alam naman nito na allergic si Nadine.
Sa katunayan, iba ang target market nina JaDine. Mas level up ang dalawa kaysa sa LizQuen at Kathniel. Young adults ang mga tagahanga nila na akma lang naman. Kaya nga nagtataka ako kung bakit todo-react ang hitaderang ina ni Kathryn Bernardo at may pa-blind item pa siya na one-liner sa kanyang social media account tungkol sa pagpasok ng romcom serye nina JaDine pagtapos ng serye ng anak niya na PSY. At sa social media posting ng ina ni Katryn ay paglalaanan ko ng espasyo at panahon ito. Abangan!
Reyted K
By RK VillaCorta