Kung walang pagbabago, magbabangayan sa takilya ang dalawang rom-com na inaabangan ng publiko.
Ang pelikulang “This Time” nina James Reid at Nadine Lustre mula sa Viva Films na as of yesterday, April 24, ay hindi pa tapos ang shooting ng pelikula.
Sa pagbabago ng playdate from Arpil 27 ay nabago ang showing ng “Just The 3 of Us” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado. Hindi namin alam ang dahilan ng pagbabago ng playdate ng pelikula.
Sa takilya, mag-aagawan ng audience ang dalawang pelikula na halos iisa lang ang audience nila. Iisa lang ang fans or mga manonood na mahiligin sa mga pelikulang rom-com.
Kung titingnan, ang market audience nina Lloydie at Jen ay mga 18 and above at siyempre kasama na rin doon ang mga nanay, ate, auntie, at lola na matagal nang manonood at tagasubaybay nina John Lloyd at Jennylyn.
Ang manonood naman ng tambalang JaDine, mga highschool students ang edad, na pati mga nanay at lola at isama mo na rin sina ate at auntie ay kinikilig na rin sa dalawa na binuo nila sa pamamagitan ng kilig seryeng “On The Wings of Love”.
Sa ganang akin, parang sayang na magbabangayan at mag-aagawan ang dalawang pelikula na puwede namang sapol nila ang lahat ng manonood.
Sa mahal ng presyo ng bilihin sa palengke at hindi pagbaba ng halaga ng dressed chicken sa Nepa Q-Mart at isang kilo ng bangus sa Farmer’s Market, ang yaman mo kung mapagsasabay mong mapanood ang dalawang kilig to the max movies ngayong tag-araw.
Ikaw, may P250 ka, ano ang uunahin mo at siguradong pagkakagastusan mo na pelikula? Ang “This Time” nina James Reid at Nadine Lustre o ang “Just the 3 of Us” nina John Lloyd at Jennylyn?
Basta ako, wala akong maisasantabi. Excited ako na mapanood ang dalawang pelikulang ito. Basta ako, walang pakialam sa “batya” ni Captain America.
Reyted K
By RK VillaCorta