Naging mainit na isyu ang isang episode ng “On The Wings of Love” (OTWOL) ng ABS-CBN, kung saan sa bridal shower ng charcter na ginagampanan ni Nadine Lustre, nag-sexy dancing ang charcter ni James Reid habang nakasuot ng uniporme ng pulis.
Nang matanong si James Reid sa launching ng isang ad campaign kaugnay ng isyu, umiwas na itong magbigay ng reaksiyon.Matipid niyang tugon, “ABS-CBN has already released (a statement).”
Sa statement ng pamunuan ng OTWOL: “On the Wings of Love would like to apologize for a short scene that aired last Monday (January 11), which unfortunately showed the main character Clark dancing as a policeman for Leah in her bridal shower. The program has called the attention of its production team and assures the public that there was no intention to disrespect the sanctity of the Philippine National Police (PNP) uniform. We do not want to jeopardize our good relations with the PNP and will make sure that it will not happen again.”
Napilitan nang humingi ng paumanhin ang Kapamilya Network nang lumikha ng malaking ingay ang social media ang naturang eksena, kung saan hindi rin pinalampas ng ilang miyembro ng kapulisan ang pangyayari.
Mismong ang Philippine National Police-Philippine Community Relations Group ay nagpahayag ng pagkadismaya nito sa eksena. Anito, “Sana lang po lahat ng inilalabas sa TV ay nirereview ng maayos tulad ng paggamit ng tama sa Uniporme. may batas po tyo dyan #OTWOLAcceptance.”
Bagama’t may mga nagtanggol sa serye at sinasabing hindi naman malaswa ang naturang eksena, marami rin ang nakisimpatiya sa hinaing ng kapulisan.
Isang pang miyembro ng PNP ang naglabas ng kanyang sentimyento sa Facebook. Ani ng isang Geoff Lim, “An irresponsible segment of an ABS-CBN Teleserye, ON THE WINGS OF LOVE, showing James Reid (Clark) in a PNP Uniform, strip dancing for his fiancee Nadine Ilustre (Lea) during her shower bridal party. As a police officer, it is infuriating to see OUR UNIFORM, a symbol of authority, being degraded this way. Remember that we sacrificed and endured hardship and training just to wear this. Can’t the writers think of any other scene rather than this? We call on everyone to share or repost this as a sign of protest or dismay. We need a more responsible media.”
Sa kabila naman ng paghingi ng paumanhin ng OTWOL sa pangyayari, ipinatawag pa rin ng Movie and Television Review and Classification Board ang pamunuan nito para sa isang meeting.