PALIBHASA KUMITA sa takilya ang first film project nina James Reid at Nadine Lustre na Dairy Ng Panget ng Viva Films, naging daan ito para agad na may follow-up movie sila sa kanilang mga fans, ang Talk Back And You’re Dead. Nakilala si James bilang big winner ng Pinoy Big Brother Teen Clash 2010. This film project also marks the debut film collaboration of Jadine with Joseph Marco who is one ABs-CBN hottest cover boys, sought after celebrity endorsers, and top leading men ng Kapamilya Network ngayon.
This time, kakaibang historic milestone ang handog ng Skylight at Viva Films para sa manonood. For the first time in the big screen, adaptation of Alesana Marie’s bestselling and hip novel Talk Back And You’re Dead. Ang nasabing nobela ay nagkamit ng mainstream na popularidad sa teenagers hindi lamang sa paperback pati na rin sa online Wattpad.
Nabuo ang film version na ito na pinagbibidahan nina James, Nadine at Joseph, ang tatlo sa pinakamainit na batang mga bituin sa movie industry. Gagampanan nila ang mga papel nina Top, Sam at Red respectively, mga pangunahing tauhan ng bestselling novel.
Masasabing isang kakaibang istorya ng pag-ibig ang nasa TBAYD, ayon kay Direk Andoy Ranay. Pinagsama-sama sa pelikulang ito ang nakakikilig na teen romance, ang astig at makapigil hiningang mga elemento ng aksyon. May love triangle sina James, Nadine at Joseph na hindi inaasahan pero mangyayari. Magle-level-up dito ang sinasabing ‘good girl’ at ‘bad boy’.
Sa presscon, nalaman naming limang beses palang may kissing scene sina James at Nadine. Sa umpisa, very tender, tsika ni Direk Andoy. Hanggang maramdaman nila parehong painit ng painit ang kanilang kissing scene. May kakaibang feeling na kasi silang nararamdaman habang naghahalikan. Tinanong ang young actor kung masarap humalik ang Nadine? “She’s a good kisser,” ang naging tugon ni James. Maging si Nadine ay sinabi rin nitong masarap humalik ang binata, lasang strawberry nga raw ang hininga ng young actor. He’s a cool guy, very gentleman at komportable akong katrabaho si James,” say ni Nadine.
Ganu’n din si James, ini-enjoy niya every minute na magkasama sila ni Nadine. Halos magkasundo sila sa maraming bagay. Nagiging open na nga raw sila sa isa’t isa. Habang tumatagal, lalo nilang nakikilala ang character ng bawat isa. Para kay James, mas gusto niyang makilala munang mabuti ang girl bago niya ito ligawan. Just to make it sure to himself na she’s the one… totoo ‘yung nararamdaman nito.
Sa pagiging relax nina James at Nadine sa isa’t isa, maaari raw ma-develop sila in to something beautiful – friendship turned into relationship. Pero hindi pa raw sila handa for a serious relationship dahil ngayon pa lang nagsisimulang sumipa ang kani-kanilang showbiz career. Mas binibigyan nila ng priority ang trabaho, saka na ang personal life. Love can wait, hindi lahat ng artista nabibigyan ng ganitong break so focus muna sila sa work.
Wala ring pakialam si James na ipakita ang kanyang katawan on the big screen. Katuwiran niya, “Pinaghirapan kong i-develop ito para maging physically fit. I’m proud with my body.”
Tuloy, may press na nag-dare kay Marco na ipakita nito sa press ang kanyang katawan. Deadma lang ang co-star nina James at Nadine. Tipong mahiyain pa itong si Marco. Nasabi tuloy ni Direk Adoy, “Binigyan ninyo ako ng idea, may 2 days shooting pa ako. Sa movie na lang ninyo makikita ang katawan ni Marco. May chemistry silang tatlo kaya’t hindi ako nahirapang i-direk sila.”
Kahit nasa Kapuso Network na si Direk Andoy at nagdidirek ng drama series na Ang Dalawang Mrs. Real, malaki ang naitulong ng ABS-CBN sa kanyang career as director.
“Ang ABS ang naging playground ko na kaya’t tinatanaw kong malaking utang na loob na naging bahagi ang ABS kung nasaan man ako ngayon, ” turan ng box-office director.
Masasaksihan din sa pelikulang ito ang mga witty lines at nakakakilig na mga eksena mula sa nobela at pati na rin ang mga ‘di malilimutang mga karakter tulad ng The Crazy Trio at The Lucky 13. Walang duda si Direk Andoy na another box-office success ang pelikula nilang Talk Back And You’re Dead na ipalalabas on August 20 nationwide.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield