MISS NIYO NA ba si James Reid? Naging tahimik ang showbiz career ng matinee idol noong 2020, pero hindi ibig sabihin nun ay wala siyang ginagawa. Sa katunayan, kinarir ng binata ang pagiging CEO niya ng Careless Music Manila at unti-unti na nitong nilalabas ang mga material na pinaghihirapan ng kanyang independent music label.
Ang biggest project to date ng Careless Music Manila ay ang paglabas ng visual album ng kanyang biggest talent and ex(?) girlfriend na si Nadine Lustre na ‘Wildest Dreams’. Anim lang naman sa mga kanta ni Nadine ang may bonggang music video. Iba rin!
This year, it’s time for James Reid to release his own album. Bilang patikim at pamatid-uhaw sa mga fans niyang matagal na rin nag-aabang, nilabas nito ang chill song na ‘Soda’. Nilabas na ang visualizer version ng music video nito at noong weekend ay nag-guest ito sa Wish Bus para kantahin ng live ang kanyang bagong awitin.
In fairness, swabeng-swabe ang pagkaawit ni James ng Soda, huh! Siguradong na-quench na ang thirst ng mga taong sabik na sabik na maramdaman ulit si James Reid. Co-writer rin ng kanta si Nadine Lustre at obviously, tungkol sa pinagdaanan ng kanilang relasyon ang lyrics ng Soda.
Siguradong patikim pa lang ito sa comeback album ni James. Feeling namin, mas at home ito sa music kumpara sa paggawa ng pelikula’t teleserye. Siya na rin mismo ang nagkumpirma na hindi na niya gagawin ang ‘Soulmates’ project na dapat ay pagbibidahan nila ng K-pop idol na si Nancy McDonie ng Momoland. Wala rin nababalitang bagong movie project ito.
For now, mas maganda na sa music na lang mag-concentrate muna si James. Maliban sa pag-satisfy ng fans nila ni Nadine, marami pa itong musikero na mabibigyan ng trabaho.