PERFECT COMBINATION ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre sa publiko kahit walang relasyon. Nakukuha nilang pakiligin ang mga fans sa kanilang mga pelikulang Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead na pawang box-office hit ito sa takilya.
Say nga ng box-office director na si Andoy Ranay, “The chemistry is still there kaya mismo ako ay kinikilig sa mga eksena nina James at Nadine sa latest movie namin na “Para Sa Hopeless Romantic” with Julia Barretto and Iñigo Pascual under Star Cinema at Viva Films. Habang ginagawa ko itong movie namin, bumabalik lahat sa alaala ko ang lovelife ko. Parang punung-puno ng pagmamahal ang pakiramdam ko sa set, I feel young again. Naba-bagets ako dito, nag-adjust ako sa kanila as individual. Para maging inspire ako sa kanila, ako ‘yung naging clown ng mga ito. I told them, let’s enjoy every thing that we do.”
May kakaibang karisma sina James at Nadine kaya tinatangkilik ng manonood ang kanilang mga pelikula. Lalo pa ngayong kasama sa cast ang bagong loveteam na sina Julia at Iñigo, mas makapag-a-identify ang audience sa bawat character na gagampanan ng apat na bida. Sa pelikulang ito, gagampanan nina James at Nadine ang mga papel nina Nikko at Becca na dating magkasintahan na may magkaibang disposisyon ukol sa pagibig. May koneksiyon ang character nina Iñigo at Julia bilang sina Ryan at Maria sa katauhan ni Becca, sila ang sumasagisag sa kalagayan ng puso nito. Magkakaiba ang bawat papel na ginagampanan ng apat sa film adaptation ng best selling novel ni Marcelo Santos III.
Hindi na nahirapan si Direk Andoy i-direk sina James at Nadine dahil nakatrabaho na niya ito sa Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead. Malaki na raw ang improvement ng dalawa as actors. ‘Yung sa una naming movie, getting to know each other lang sina James at Nadine. Dito, they know each other na sila, nag-mature na sila pareho,” tsika ni Direk Andoy.
Walang naging problema si Direk Andoy habang ginagawa nila ang nasabing pelikula hanggang matapos ito. “‘Yung shooting schedule lang ni Iñigo dahil nasa States siya last year with his family. Nagkataon pang magpa-Pasko so kailangan naming mag-adjust ng schedule, pero okay naman,” aniya.
Nang panoorin nina Direk Andoy ang kabuuan ng pelikula, nakulangan sila sa mga kilig scenes kaya nagre-shoot sila para sa ikatutuwa ng mga fans. Ikinuwento ng magaling na director ang kilig scenes nina Jame at Nadine na kumakain ng tuyo at tampurado. “Ako mismo kinikilig sa scene nilang dalawa. Kukunin ni Nadine ang tuyo sa lips ni James sa pamamagitan ng labi niya at biglang malalaglag ito. Cute ‘yung scene na ‘yun.”
Nang tanungin namin sina James at Nadine tungkol sa tuyo scene, natawa lang ang mga ito. Nalalansahan sila pareho, sana raw strawberry o chocolate na lang ang ginagamit. “Malansa kasi ang tuyo sa bibig kaya awkward ‘yun para sa kanya. Tawa nga kami nang tawa habang kinukunan ni Direk Andoy ‘yung scene namin ni James. Okay naman ang kinalabasan, happy si Direk,” pahayag ni Nadine.
Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si James na sikat na nga siya. Hataw sa dami ng product endorsements at TV commercials. “It happens so fast. I enjoy make the people happy. I’m more serious now with my career as an actor, lots of responsibilities. Nadine and I we’re good friends. We enjoy each other’s company. Nasasabi ko sa kanya ‘yung personal life ko. We’re comportable to each other at work. We share a lot of things… Nadine is the closesest girl friend that I have,” aniya.
Ipinaliliwanag ng Para sa Hopeless Romantic ang istorya ng bawat taong naghahangad na mahalin, natatakot umiibig, umaasang babalikan ng dating pagibig, at natatakot umibig muli. Ipalalabas ito ngayong Mayo 13.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield