PUNTA AKO ng Greenhills. Siyempre, ang mga tao du’n, iisa ang dayalog, “Sir, pagawa po kayo?”
Tapos, magawi ka naman sa kabila, “Sir, pagawa po kayo?” Halos iisa ang dayalog.
Kaya ‘yung isang nadaanan ko, sabi, “Sir, pagawa po kayo?”
Sinagot ko na ng, “Magkano ba pa-noselift?”
“Ay, sir…. Celfone lang po.”
NAGAGALIT ANG mga fans ni James Reid. Bakit ko raw ibina-blind item ang idol nila na hindi marunong umarte, kaya panay ang eksenang topless sa Talk Back And You’re Dead.
Siyempre, blind item tapos inaako nila ang blind item na idol nila ang tinutukoy.
Pero kung ako sa kanila, ‘wag na silang mag-react dahil kung ‘yun ang hula nila at kahit si James ay nabasa ‘yon at inangkin din ang blind item, dapat ay matuwa pa kayo.
Kasi unti-unti ay humuhusay ang sexy young actor sa pag-arte at kahit nga ang dila niya ay dumidiretso na sa Pananagalog, eh.
Kami bilang isa ring talent manager, kung hindi namin makuha ang hinahanap naming “sakto” sa aming aalagaang talent ay mas gusto naming kulang kesa sobra.
Kasi ‘yung kulang, mas masarap turuan kesa sobra na dapat magbawas ng ka-OA-yan. Mas maganda pa rin if there’s always a room for improvement rather than a room for over confidence.
Saka ang kahinaan ng isang tao ay kayang tapalan ng iba niyang kalakasan.
Maaaring hindi ganu’n ka-confident sa pag-arte si James, pero ‘pag pinaghubad mo naman…. ay, juice colored, parang ang sarap anuhin ng batang ‘yan.
Dahil napanood ko ang Diary Ng Panget, siyempre, hindi puwedeng hindi ko papanoorin ang Talk Back And You’re Dead!
Hellow! James Reid ‘yan, no!
Oh My G!
by Ogie Diaz