Walang takot na sumabak sa maseselang eksena sa pelikulang “Balatkayo” ng BG Productions ang guwapitong newcomer na si James Robert. Unang pelikula niya ito at dito’y nagkaroon si James ng frontal nudity.
Nang nalaman mo na may frontal nudity ka rito, ano ang pumasok sa isip mo?
“Noong una po, nagdadalawang-isip talaga ako. Pero nang binasa ko na po iyong script, nakita ko na napakaganda naman ng story. So, nag-go na po ako roon kahit na super-daring ‘yung eksenang iyon,” saad ng 22 year old na si James.
Sa tingin mo pag-uusapan ka sa pagiging daring mo rito? “Siguro po, dahil sa sex scandal na ginawa namin sa pelikula at dahil din po sa story nitong movie namin. Na may-aral talaga, lalo na sa mga kabataan na OFW ang mga magulang.”
Pahabol pa niya, “Hindi ko naman po ine-expect na mapansin ako sa nudity scene ko, mas ine-expect ko po na mapansin ako sa story na ginagampananan ko, na usually ay nangyayari sa totoong buhay. Hindi po kasi biro na magka-sex scandal, bale, ikaw po kasi ang laman ng balita, lalo na sa social media.”
Malalim na tinalakay sa “Balatkayo” ang buhay ng mga OFW na nagsasakripisyo para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat sa buhay, minsan ay nasisira ang kanilang pamilya dahil sa kalungkutan at tukso. Si James ang solong anak dito nina nina Aiko Melendez (OFW sa Singapore) at Polo Raveles (OFW sa Dubai) na masasangkot sa sex-video scandal.
Ano ang instructions sa iyo ni Direk Neal Tan nang kukunan na ang love scene mo na may frontal nudity ka?
“Sabi po ni Direk Neal, i-enjoy lang daw ‘yung mga scene namin ng partner ko (Kristine Barreto), na huwag daw po akong mahiya.
“Tinulungan niya rin po ako para magawa nang maayos ‘yung scene na ‘yun. Tsaka sabi niya, play with the camera lang daw po, ‘ika nga. Para maging natural lang daw ang kalalabasan ng ekesena. Kasi, napakahalaga talaga ng eksenang iyon para ma-establish ‘yung sex video scandal at maging makatotohanan ang movie,” saad pa ng newcomer na tubong Cebu City at graduate ng BS Nursing.
Sa tingin mo ba, mga five years from now ay hindi mo pagsisisihan na nagkaroon ka ng frontal nudity sa pelikulang ito?
“Hindi naman po, kasi ay ginusto ko rin naman po iyon. At saka part po kasi ito ng trabaho ko bilang artista, kaya hindi ko po iyon pagsisisihan,” esplika pa ng Tisoy na si James na ang amang isang American serviceman dati sa Pilipinas ay hindi pa niya nakikita kahit minsan.
Palagay mo, ito na talaga ang biggest break mo at right material din para sa pagsisimula mo sa pelikula?
“Siguro po, sana nga po ay ito na talaga, sana po,” pahayag pa niya.
Tampok din sa “Balatkayo” sina Nathalie Hart, Rico Barrera, Melissa Mendez, Vangie Labalan, Lui Manazala, Ernie Garcia, at Jess Evardone. Mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana.