THERE’S A GLARING inconsistency in the statements of James Yap. Nu’ng hindi pa nakapagdedesisyon si Kris Aquino to end their marriage, sabi ni James ay igagalang niya ito. But when Kris finally dropped the bomb, so to speak, biglang kambyo ang cager: He’ll to everything to save the union.
But too late the hardcourt hero. Naglabas na ng statement ang law office kung saan idinulog ni Kris ang kanilang problema, na ngayo’y dumaraan na sa legal na proseso.
Kris had so perfectly timed it, nitong mga linggong wala nga siya sa bansa only to return home in time for her mom Cory’s first death anniversary. Kris won’t be around on July 26 as her brother President Noynoy Aquino delivers his state of the nation address.
Sa palagay ng marami, bagama’t understandably there are legal concerns that Kris and James need to contend with ay sa tuluyan nang paghihiwalay ang kahahantungan ng kanilang pagsasama. This speaks a lot about the kind of marriage na umabot na sa saturation point and is already beyond repair.
KUNG INAAKALA NG marami na si Kuya Germs lang ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa loob ng isang buwan, maging si Dolphy has a month-long celebration in his Pidol’s Wonderland on TV5.
Expectedly, Tito Dolphy’s special birthday week is a gathering of stars truly close to his heart. Sa darating na Linggo, July 18, tampok si Smokey Manoloto sa naturang show. Tito Dolphy and Smokey go a long way, ‘yun ‘yung Home Along Da Riles years pa nila sa ABS-CBN.
Sa mismong kaarawan naman ng Hari ng Komedya on July 25, he reunites with his quintessential daughter Maricel Soriano na nakasama niya noon sa John En Marsha during the 70’s. Sa susunod namang Linggo, no less than the Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ang tampok sa Pidol’s Wonderland.
BLIND ITEM: KILALANG galante ang sikat na male (?) personality na ito. Dekada otsenta nang regaluhan niya ang noo’y bagets actor ng latest model ng isang mamahaling sasakyan, pero pinalabas ng bagets na katas ‘yon ng kanyang ipon sa showbiz. ‘Yun na rin ang turo ng mga kaanak ng bagets, na ‘pag may nag-urirat daw kung saan galing ang kotse, ang sasabihin nito’y mula sa kanyang pawis at dugo (hindi mula sa kanyang “dakta” na sinisimsin ng kanyang gay benefactor).
Pero totoo pala ang kapaniwalang “history repeats itself.” Many years later, naulit na naman ang pagpapamalas ng kawanggawa ng gay personality. Hindi ko na sasabihin kung taong 2000 ‘yon, five or ten years later. Pero pareho rin ang drama ng masuwerteng recipient: fruit of his hard labor.
Kunsabagay, marami ang ibig sabihin ng hard labor. Mahirap din kayang tumihaya.
Personal: Maligayang 46th birthday to my sister Menchu Rogacion. Pasensiya na hindi kita maregaluhan ng kotse. Kung ako nga, wala, ‘no!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III