“KAILAN MAN AY hindi ma-mumunga ng santol ang mangga.” Ito ang dahilan kung bakit hindi na magiging kataka-taka kung ang dalagitang si Jamie Christine Berberabe Lim ay mamayagpag sa bawat larangan niyang pinapasok.
Si Jamie ang nag-iisang anak ng kasalukuyang Pag-Ibig President/CEO na si Atty. Lelen Berberabe at ng dating PBA star na si Samboy Lim na kilala sa tawag na “Skywalker.” Paano nga ba naman hindi magtatagumpay ang isang may dugong mananalo at may natural na galaw ng isang tunay na atleta.
Sinimulan ng kanyang Batanguen-yang ina na mula sa angkan ng Berberabe ang pagpasok kay Jamie sa edad na anim bilang aliwan lamang para sa kanyang summer vacation. Simula noon ay nagpatuloy na ang interes ni Jamie sa karate at hanggang sa kasalukuyan ay regular na nag-eensayo. Sa ilalim ng paggabay ni Coach Rex Resurreccion, nagagawa ni Jamie na maging isang mahusay na brown belter habang nagagawa niyang papanatilihin ang kanyang grade na 90 sa Immaculate Conception Academy kung saan madalas siya ang nakakakuha ng pinakamataas na marka sa Matematika.
Eksaktong nagdiwang si Jamie ng kanyang 14th na kaarawan noong Mayo 14 kung kaya siya ang pinakabata sa kanyang kategoryang sinalihan. Sa kabila nito, naipagwagwagan ni Jamie ang lahat ng kanyang nakalaban habang wala halos nakatama sa kanya sa lahat ng mga naging laban niya. Kasama ang kanyang club AAK Megamall sa pamumuno ni Pocholo Veguillas, si Jamie ay nakipaglaban na parang nananalasang bagyo dala ang tapang at di mabasang diskarte.
Ang mga kasalukuyang kampeon sa ginanap na 5th Asia Pacific Goju-Kai Karate-do championships sa Thailand noong May 13-15 kung saan 13 bansa ang lumahok, kasama si Jamie sa delegasyon na matagumpay na nagsipag-uwi ng karangalan para sa bansa. Sina Jamie ang nakasungkit ng ginto para sa 14-15 girls kumite, Nadene Flores para 10-11 girls kumite, Jose Habalo para sa 10-11 boys kumite.
Ang tulad ni Jamie ay isang napakagandang ehemplo para sa mga kabataan upang mapagsabay ang sports at pag-aaral habang napapaghandaan ang isang malusog, malinis at magandang kinabukasan. Ang malamang na susunod din sa yapak ng kanyang ina na abugada ay hindi na natin pagtatakahan kung magtatapos ding valedictorian at summa cum laude. Ika nga “kung ano ang puno ay siya ring bunga.”
Para kay Jamie at sa kanyang mga kasamahan, kayo ang dangal ng bansa!
By Sports Parazzi
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service