Jamie Christine Berberabe Lim, Sumungkit ng 2 Gold Medal AAK Team PHL, Nag-uwi ng 3 Gold sa Korean Invitational Karatedo

[imagebrowser id=177]

MULING IPINAMALAS ni Jamie Christine Beraberabe Lim ang kanyang galing sa karatedo nang mag-ambag siya ng dalawang Gold Medal sa kabuuang tatlong Gold, dalawang Silver at pitong Bronze ng AAK Team Philippines para tanghaling third place overall sa International Karatedo Junior, Cadet and Children Game na ginanap sa Busan, Korea noong Agosto 201-21, 2012.

Napanalunan ni Jamie ng AAK SM Megamall ang dalawang gold sa cadet events sa mga event na Kata at 47+kg Cadet Kumite. Sa Kata, tinalo ng dalagitang anak nina Basketball superstar Samboy Lim at Pag-IBIG Fund President & CEO Atty. Darlene Berberabe ang katunggaling Iranian na si Ghazal Naderi sa Semi-finals, kung saan umabante siya para harapin ang isa pang Iranian na si Faezeh Chizari sa Finals ng 14-15 Years Old Cadet Female Kata. Nakuha naman ni Jamie ang ikawalang ginto sa event na 47+kg Cadet Female Kumite, matapos talunin si Ghazal Naderi ng Iran sa Semi-Finals, at si Kim Hyun Byul ng Korea sa Finals.

Samantala, ang ikatlong gold medal ay iniambag ni Alenn Gabriel Macapagal Castro ng AAK La Salle Green Hills sa 52kg Male Cadet Kumite.

Napanalunan naman ang Silver Medal ni Jose Raphael Singson Habalo ng AAK Ateneo sa 12+ years old Male Kumite event, at ng AAK Team 2 na kinabibilangan nina Jordan Craig Del Rosario Guevara, Dustin Nicolo Aguilar Yu, at Gabriel Gapusan Villaluz sa -14 years old Male Team Kumite event.

Ang mga Bronze winner naman ay sina: Jose Raphael Singson Habalo (12 years old Male Kumite); Alwyn Salac Batican (-70kg Male Cadet Kumite); Stephen Adrian Aguilar Yu (12 years old Male Kumite); Krisanta Renzel Montanano Asistido (10 years old Female Kumite); Dustin Nicolo Aguilar Yu (14 years old Male Kumite); AAK Team 3 composed of Adam Ortiz Bondoc, Stephen Adrian  Aguilar Yu, Amir  Ballesteros Rahnema (12 years old Male Team Kumite event).

Tinanghal ang 15-man delegation ng AAK Team Philippines na third place overall sa may 30 organisasyon/ bansa. Nanguna ang Russia na may 60 kalahok, at ideklarang pangalawa ang Hong Kong.

Ang delegasyon ng AAK ay pinanguhan ni Richard Anthony Lim, at mga coach sina Rex Resurrecion at Norman Sonny Montalvo.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous article(BONA EDITION)
Next articleSimply Jesse

No posts to display