MULI NA namang pinatunayan ni Jamie Christine Berberabe Lim ang kanyang dominasyon sa ginanap na 5th ASKA Karate-do Open Championships sa St. Dominic College of Asia, Bacoor, Cavite.
Si Jamie na katorse anyos lamang ay muli na namang nagwagi ng double gold sa Kata at Kumite intermediate events, female 14 and up. Grasyosong pinanalo niya ang Kata na para lamang siyang umiindayog sa bawat galaw.
Ang naganap naman na laban sa Kumite ay nagpakita ng ibang Jamie na karaniwan, tulad ng kanyang ama na kinilala bilang “gentleman of the hardcourt” na si Samboy “Skywalker”Lim, ay nagpapamalas ng malasakit sa kalaban lalo pa’t alam niyang siya ang lyamado. Sa kalaban niyang 18 anyos na mas malaki sa kanya, ipinanalo ni Jamie ang laban gamit ang tapang ng Batangueña at liksi ng kanyang ama.
Si Jamie ay isang ideal na athlete. Habang nag-e-excel siya sa Karate, hindi rin siya nagpapahuli sa kanyang academics. Sa katunayan, isa siya sa mga nasa top ng kanyang klase sa ICA.
Sa kabilang banda, tinanghal ding overall champion ang AAK (Association for the Advancement of Karate-do), ang kinabibilangang club ni Jamie, kung saan napagwagian nito ang 13 golds, 6 silvers and 18 bronze medals.
Ang AAK pinamumunuan ni shihan Pocholo Veguillas at ng nag-iisang Filipino international referee na si Richard Lim. Ang sensei ni Jamie ay si Rex Resurreccion.
Parazzi Chikka
Parazzi News Service