BUONG NINGNING na inamin ni Jamie Rivera sa launching ng We Are All God’s Children album ng Star Music na tumawag talaga siya sa CBCP at kay Archbishop Soc Villegas at sa iba pang taong mamahala sa pagdating sa bansa ni Pope Francis para mag-apply na singer at composer sa pagdating ni Pope Francis sa Manila sa January of 2015.
“Nu’ng nalaman ko ‘yon, nag-effort talaga ako. Tinawagan ko si Archbishop Villegas at iprinisinta ko ang sarili ko. They told me what to do, na kailangan kong magbigay ng kanta tapos parang isang committee ang magdya-judge at ang Vatican kung magiging official ako sa paggawa ng theme song,” kuwento ng singer.
“Sa Awa ng Diyos, after ilang weeks, sinabi nila sa akin na ‘yung kanta kong We Are All God’s Children ang magiging official theme song ng Papal visit. Sobrang blessing talaga!” dagdag pa niya.
Habang kumakanta sa album launch, biglang kinabahan si Jamie nang makita ang standee ni Pope Francis. Hindi raw niyaalam kung ano ang magiging reaksyon kapag nakita niya ito in person. Baka raw magpa-selfie pa siya kung papayag ang Papa.
Bukod sa We Are All…, ipinarinig din ni Jamie sa press ang kanta na ginawa rin para kay Pope Francis – ang Our Dearest Pope at Papa Francisco, Mabuhay Ka.
Nag-share din ng kanilang talent sa album sina Jed Madela at Angeline Quinto (On Eagles Wings), Liezel Garcia (Anima Christi), Janella Salvador (Give Thanks), Fatima Soriano (Lift Up Your Hand), Aiza Seguerra (Lead Me Lord), Erik Santos (Lord, I Offer My Life To You), Juris and Robert Sena (One More Gift) at Morisette Amon (Take and Receive).
La Boka
by Leo Bukas