Jan “Pacboy” Manual, sa kawalan ng magawa, nagloko na na-comatose!

ISA ANG Starstruck alumnus na si Jan “Pacboy” Manual sa mga nakiuso bilang prankster nitong April Fools’ Day. Using his aunt’s mobile phone, kumalat nu’ng araw na ‘yon ang text message that read: “Jan involved in an accident, comatose siya ngayon. This is Tita Daisy. I’m just informing all of his friends. Thanks.”

One of the message recipients was his mentor Rommel Gacho who immediately had the info verified. Pero sa halip ay ang handler ni Jan ang sumagot sa tawag ng nagberipika sa mensaheng umano’y ipinadala ng tiyahin nito.

Sagot ng handler, “April Fools’ Day po, nagtitrip lang po si Jan!” Napa-“Tarantado!” tuloy ang mentor ni Jan, obvious na bad trip sa biro ng aktor.

Oo nga naman, one does not crack sick jokes like that, worse, “comatose” jokes. Resulta lang ‘yon ng kawalan ng pinagkakaabalahan ni Jan sa buhay niya.

ALL THE hype and the hyperbole are worth it.

Higit sa pagiging alagad ng pamamahayag, nakatutok kami bilang masusing manonood at mapanuring botante sa mga election-related programs being churned out by ABS-CBN and GMA. Biases set aside—given our network affiliation—ay mas nahihimay at nahahalukay ng GMA ang mga kumakandidato sa pagka-senador, anumang partido ang kanilang kinakatawan.

Isa na rito ang ‘ika nga’y two installments ng senatorial forum na Paninindigan na nagsimula nitong Easter Sunday, March 31, hosted by Mike Enriquez. Sa April 7 naman titipunin ni Mel Tiangco ang mga natitira pang senatoriables.

Tradisyon nang maituturing ang egg-hunting tuwing Easter Sunday. True enough, sa unang bigay ng Paninindigan, there were figurative eggs among Mike’s guests na bugok.

The first installment was half of what would represent a basket of bad eggs na nag-iilusyong mamayani sa Senado, a legislative branch which should be ideally composed of lawmakers na nagtataglay ng liderato, integridad at hangaring magsilbi sa bayan.

ISA SA mga naunang isinalang sa Paninindigan were the former and present Senators of the land; Dick Gordon and Chiz Escudero, respectively.

During the proceedings, nagkomento si Gordon na nagiging showbiz ang takbo ng pangangampanya, citing the case of Chiz na hiningan naman niya ng dispensa just as his 30-second allowable time was up.

Came Chiz’s turn. Ang ibinatong tanong sa kanya ni Mike had something to do with his personal relationship with Heart Evangelista. Iniere pa ang pag-iyak ni Heart sa isang programa sa GMA, that segued to Chiz’s comment tungkol sa mga magulang ng kanyang nobya who disapprove of their romantic liaison.

Hindi pa roon nagtapos ang pangangalkal ng Paninindigan sa mga personal na aspeto ng kanilang mga panauhin. Even Senator Koko Pimentel was not spared tungkol sa umano’y pisikal na pang-aabusong ipinaparatang sa kanya sa kanyang estranged wife na si Jewel Mae Lobaton.

Sa aminin man o hindi ng staff ng Paninindigan, Chiz’s and Koko’s separate cases are too personal, and as such, do not have the slightest bearing on their reelection bid. Mas interesado ang electorate sa mga napapanahong isyu para sa kapakinabangan ng bansa.

As an intelligent voter, who will take interest in a HEART-shaped JEWEL like a sandwich na may palamang CHIZ o KOKO (jam)?

Gordon is right, although his pet name DICK is a self-betrayal of sorts.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAgawan sa Ari-Arian ng mga Magulang
Next articleWow, tumayo!

No posts to display