Habang nasa taping si Jane ay nakikipag-coordinate siya kay Mommy Marie (her mother) para puntahan ang isang charitable institution at do’n i-celebrate ang kanyang kaarawan.
“She was still on a lockin-taping for Darna but was coordinating with us regarding her chosen birthday beneficiary this year,” balita sa PUSH ng mommy ni Jane.
Ang Bahay Aruga na isang free halfway house for pediatric cancer patients ng Philippine General Hospital ang napili ni Jane na handogan ng konting tulong.
“Originally, she was thinking of choosing a random families as beneficiary with a very inspiring back story regarding their struggles in life and how they cope up amidst the pandemic. But ended up with Bahay Aruga.
“May kaibigang nag-recommend sa amin tungkol dito who also shared about its story, their need for donations as well as the cancer kid’s fight to survive from the dreading illness kaya ito ang pinuntahan namin.
“Bago po kami pumunta doon on her behalf, nagtanong muna kami kung ano ba talaga ang pangangailangan nila para yon na lang dadalhin. So what we brought them were vegetables for the cancer kids and some food that can share for dinner,” kuwento pa ng nanay ni Jane.
Ayon pa kay Mommy Marie, matagal na ring ginagawa ni Jane ang magbahagi ng kanyang blessings tuwing dumarating ang kanyang birthday. Karamihan daw sa pinapasaya nito noon ay mga homeless families at street children.
“Malambot po talaga ang puso ni Jane sa mga underprivileged, lalo na sa mga bata since palagi niyang sinasabi na ramdam niya at pinagdadaanan ang hirap ng buhay. Kaya she always feel fulfilled and happy tuwing nakakatulong siya lalo na kapag nakikita niya ang mga ngiti ng mga taong natutulungan niya,” papuri pa ng ina sa kabutihang loob ni Jane.
Samantala, kumakatok din si Jane sa puso ng may mga mabubuting kalooban na sana raw ay matulungan din nila ang Bahay Aruga na nangangailangan ng tulong pinansyal.