HINDI man siya super duper sikat like her fellow former childstars Kathryn Bernardo and Julia Montes, hindi naman maikakaila na naging paborito na ng Regal Entertainment / Regal Films ang Kapamilya actress na si Jane Oineza.
In a span of three years, nagbida na ito sa ilang pelikula ng Regal tulad ng Haunted Forest, Finding You, Ang Henerasyong Sumuko sa Love at Us Again. These movies may not be box-office hits, pero napapansin naman ang kanyang galing sa pag-arte dahil sa mga proyektong ito.
Ang reklamo nga ng ilang fans ni Jane ay madalas na hindi palabas sa kanilang lugar ang mga pelikulang pinagbibidahan ng dalaga o ‘di kaya nama’y napu-pull out ito agad.
Kung isa ka sa mga certified Jane Oineza fans na nagrereklamo, no need to fret dahil not only one but two films of hers will be available on Neftlix ngayong August.
Palabas na simula kahapon, August 13 ang ‘Finding You‘ na pinagbibidahan nila ni Jerome Ponce with Barbie Imperial. Written and Directed by Easy Ferrer, ang pelikula ay tungkol sa
dalawang magkaibigan na ang lalaki ay may rare condition called ‘Hyperthymesia’, na ang mga taong may kundisyon na ito ay naaalala ang lahat ng importanteng bagay sa kanilang buhay.
Sa buong mundo ay 61 lang ang meron nito. Paano makakaapekto ang kundisyong ito sa pagkakaibigan at relasyon ng dalawang bida?
Sa August 20 naman ay mapapanood na rin ang ‘Us Again‘ na pinagbidahan ni Jane with her ‘Araw Gabi’ partner RK Bagatsing. This romantic drama written and directed by Joy Aquino is about two former lovers na susubukang ibalik ang tamis (at sakit?) ng kanilang pagmamahalan. Will there ever be another ‘us’ sa kanilang love story?
Ang ‘Us Again’ ang isa sa mga Pinoy mainstream films natin na naapektuhan ng Covid-19 scare. Ipinalabas ito noong huling linggo ng Pebrero at takot na ang mga tao na
magsine noong mga panahong iyon. Salamat sa Netflix at mapapanood na rin natin ang first movie pairing nina RK at Jane o ‘RKane’.
Hindi na kami magtataka kung later on ay i-announce na rin ng Netflix na mapapanood na rin sa kanilang platform ang barkada film ni Jason Paul Laxmana na ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’, kung saan isa rin si
Jane sa mga bida.
Favorite talaga ng Regal si Jane, ha? Ano kaya ang next project ng dalaga sa kanila?