AYON kay Janella Salvador, matutuloy na rin finally ang pagsasama nila ni Joshua Garcia sa teleserye ng ABS-CBN na “Kung Kailangan Mo Ako”.
“I’m excited to work with Joshua, kasi nga ang dami niyang good reviews na nakukuha. And he seems like a nice guy naman. So, excited ako na ka-work siya.
“Actually, he was supposed to be part of ‘Born For You’. He was supposed to be the third wheel, but he had to work for ‘The Greatest Love’ kaya hindi natuloy,” kuwento ng dalaga.
Kasama ni Janella sa “Kung Kailangan Mo Ako” ang ka-love team na si Elmo Magalona. Nasa cast din si Joshua noon sa “Bloody Crayons”, pero nang magpalit ng cast ay hindi na siya na-retain.
Hindi naman maiwasang pagkumparahin sina Joshua at Elmo, lalo na kapag pag-arte na ang pag-uusapan. Ano kaya ang reaksyon dito ni Janella?
“Hindi talaga maiiwasan ‘yon. I’m sure naman God has a plan kung ano man ‘yung mag-workout. I’m gonna be happy naman whatever happens, kasi sobrang ganda nu’ng project na ibinigay and we’re just all gonna do our best.
“Si Elmo, talagang tina-try rin naman niyang gawin ‘yung best niya. Aware naman siya sa sinasabi ng iba about him. Tapos he’s really working hard now. Gusto niyang mag-improve talaga,” katuwiran pa niya.