BALI-BALITA NOON NA nagli-live in na sina Janelle Jamer at ang hunk actor na si Jordan Herrera. Pero nitong huling usap namin ni Janelle, inamin niyang nasa cool-off stage muna silang dalawa sa ngayon.
“Ngayon, medyo malabo kami kasi bumalik ako ng showbiz, and hindi namin ‘to napag-usapan nang maayos. And now I don’t know kung ano na’ng mangyayari, but everything happens for a reason. Naniniwala ako sa kasabihang ‘yan. And now I’m very focused sa work, and nu’ng time naman na kami, focused din naman ako sa kanya, he was also.
“So, ngayon naman siguro itong time na hindi kami magkasama, may kanya-kanya kaming ginagawa, I don’t know kung ano talagang plano niya sa buhay niya.
“As of now, habang hindi ko pa talaga siya nakakausap nang personal, gusto ko talagang mag-focus sa trabaho ko na talagang matagal ko na rin namang tinalikuran, dahil hindi ko na ini-expect talaga na bumalik. But siguro ito talaga ‘yung ibinigay ni God na kailangan kong bumalik, siguro para magpasaya ng tao at pasayahin ang sarili ko.”
Short-lived naman ang pagbabalik ni Janelle sa noontime show ng ABS-CBN na Pilipinas Win Na Win bilang co-host ng Hitmakers. Halos isang buwan lang at dalawang linggo ang itinagal niya sa noontime show.
“From the very start they asked me to work pero hindi pa talaga dapat noontime, biglaan lang. Parang, ‘Janelle puwede ka bang mag-dry run for the reformat of Pilipinas Win Na Win?’ tapos sinabi ko, ‘akala ko ba hindi ‘yun ‘yung show na papasukin ko… ba’t noontime?’ But then, sabi nila i-try lang, sabi ko sige, since mga baguhan din ‘yung papasok.
“Talaga namang living legends na ‘yung apat pero when it comes to hosting talagang kailangan pa rin silang suportahan. So ,that’s what I did and also Gee (Canlas), sinuportahan din naman namin sila. Now kaya na, puwede na kumbaga sa ano, awat na awat na talaga ‘yung apat, magagaling na sila, and Powkie (Pokwang), K (Brosas) and Valerie (Concepcion), magagaling talaga sila.
“And ako kasi bago ako kinausap ng ABS, I told them na gusto ko talagang mag re-packaged ng sarili ko dahil ‘yung album na ni-record ko sa States, masyado talagang malayo du’n sa Janelle noon na nakilala ng tao, though mahal ko ‘yung Janelle noon, very masa.
“At ngayon, gusto ko lang sanang hindi naman iwanan ang pagka-masa, but then gusto kong matanggap ako ng tao as a singer, at ‘yung album ko, talagang kahit sinong makarinig ay hindi ii-expect na ako ‘yun dahil never naman nila akong narinig na mag-straight English noon sa Wowowee. Now it’s really different,” mahabang litanya ni Janelle.
And speaking of album, kailan na nga ba talaga maririnig ‘yan ng sambayanang pipol Janelle? Two years in the making na ‘ata ‘yan. Nagtatanong lang po!
SEPTEMBER 10, 2010, ito ang markadong petsa sa dalawang nilalang dahil ito ang araw na sila ay pormal nang magkarelasyon. Ang tinutukoy kong dalawang tao ay ang kontrobersiyal na negosyanteng si Cristina Decena at ang comedian TV host na si Ariel Villasanta.
Sabi pa ni Cristina sa aming panayam sa kanya sa kanyang opisina, “Sa maiksing panahon na nakilala ko siya, alam ko na faithful siya, alam kong malinis ang puso n’ya, malinis ang hangarin n’ya sa akin, mahal s’ya ng mga anak ko at higit sa lahat, at the end of the day sa sobrang dami kong problema sa work, sa dami ng tension ko, may isang comedian na nagpapasaya sa akin. S’ya nga ‘yun.”
Bago pa nito, may nakapagbulong sa akin na diumano ay binigyan ni Cristina si Ariel ng relos na nagkakahalaga ng P1.5-M. Pero itinanggi ito ni Cristina nang makausap namin. Lahad niya, “Hindi. Hindi. Wala akong ibinigay sa kanyang ganu’n. Siguro, kung meron akong ibibigay sa kanya, hindi naman ganu’n ang halaga, ‘di ba? Pero totoong niregaluhan ko siya dahil niregaluhan din niya ako.”
Nagpakasal na sa Hong Kong sina Ariel at Cristina nitong unang Linggo lang ng Nobyembre, at ang nakakaloka, balak daw ng dalawa na magpakasal sa buong mundo. Huli raw ang Pilipinas sa mga lugar na pagdadausan nila ng kanilang wedding. Pag-ibig na nga ba talaga ito, Madam Cristina at Sir Ariel?
Legally separated si Ariel sa kanyang unang asawa.
Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN) at Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5. At sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.
Sure na ‘to
By Arniel Serato