Mahilig akong manood ng sine. Kaya nga asahan mong nandun na ako sa favorite mall ko para manood. Kaya nga nang malaman ko from my friend Manny Valera na walang “Shake, Rattle, and Roll” sa darating na MMFF 2015, nanghinayang ako. Isa kasi ang SRR sa pelikula na sinusundan ko’t hindi pinaliligtas tuwing MMFF.
Pero may pamalit ang Regal Films sa milyun-milyong fans ng mga katatakutang pelikula na palagi nilang inihahain sa mga Pinoy tuwing MMFF, ang “Haunted Mansion”. Sa trailer pa lang ay natakot na ako.
Simpleng manood lang ako. Ang pamantayan ko para magustuhan ko ang isang pelkula, kung love story ang peg ay ma-in love ako at ma-inspire umibig muli. Kung horror film, dapat may shock factor at mangilabot na napaiigtad ako sa mga eksena. Wala naman kasi akong ilusyon na film reviewer eklat ako. Panlasa ko, pamantayan ng pangkaraniwang manonood. Ang mahalaga, worth ang ibabayad ko na paglabas ko ng sinehan at wala ako paghihinayang na ikinain ko na lang ng Big Mac, Large Fries at Coke Float (ibig sabihin sayang ang pera at pangit ang pelikula batay sa pamantayan ko).
In fairness, magaling ang baguhan na si Janella Salvador sa pira-pirasong mga eksena niya na sahog sa full trailer ng isa sa top three movies sa MMFF 2015 na panonoorin ko sa unang linggo ng filmfest, kesehodang makipagsiksikan ako sa pila para makakuha lang ticket. Si Janella Salvador, siya yata bagong Dina Bonnevie ni Mother Lily Monteverde.
Reyted K
By RK VillaCorta