Janice de Belen, diretsahang hinarap si Charlene Gonzales!

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON  nasaksihan ng buong sambayanan ang paghaharap sa The Buzz nina Janice de Belen at Charlene Gonzales. Isang bukas na libro ang kanilang kuwento sa publiko, pero sa pamamagitan ng kanilang masayang pag-uusap sa Straight from the Heart segment ni Charlene, pinatunayan nilang okay ang kani-lang relasyon na taliwas sa iniisip ng iba.

Sinabi ni Janice kay Charlene, “I’m really very thankful na okay tayo. Everytime we see each other, after that, magte-text kami ni Aga and we would say na at least okay tayong lahat and I know na kung may problema man ako kay Luigi or kung may [ibang] problems, I know I can always talk to both of you.”

Janice maintained that there was never an issue between her and Charlene despite what happened in the past. She was open-minded about their situation at naka-move on na siya sa nakaraan. “Seriously, it was okay. Ako kasi, pag tapos na, ‘di ba, move on na. ‘Pag may kinasal, wala nang drama. Kasi iyon na, ‘pag naghiwalay kayo, naghiwalay na kayo. So dapat maisip mo na iyon na, ito na iyong mga posibleng mangyari. It’s really fine,” she said.

Janice encouraged her son Luigi to rebuild his relationship with dad Aga and his Tita Charlene. “I have no problems with that. I tell Luigi, ‘Go to your dad, go to your Tita Charlene. Always be there, because [it’s making up for] lost time. We’ve been together for a long time, I think it’s time you start rebuilding your relationship with your dad and with your Tita Charlene and with your brother (Andres) and sister (Atasha).’”

Proud daw siya sa kanyang anak na si Luigi. Pero aminado si Janice na dumating siya sa puntong tinanong niya ang kanyang sarili kung paano siya as a parent to Luigi. Ngayon ay nakikita na niya ang mga kasagutan sa kanyang tanong because Luigi grew up to be a good family man. Indeed, Janice raised him very well.

During the conversation, hindi maiiwasan na mapag-usapan sina Aga at John Estrada. “Aga and I have no problem. Whatever differences we may have had in the past, tapos na iyon. I guess we’re mature na rin. Diyos ko, matanda na kami, eh. May mga apo na nga kaming dalawa, ‘di ba?” she said.

At tungkol naman kay John, “We’re civil. And I think it’s better that way.” Dagdag pa niya, “We will talk when we need to talk. But you see, our kids are big na rin. So whatever it is that they need from their father, I always tell them that you’re grown-ups now. You can deal with it. You need to be able to tell him what it is you want, you need, or you need to say.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous article‘Di napigilan ni ‘Pedring’ Lorna Tolentino, pumirma na ng kontrata sa TV5!
Next articleThai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!

No posts to display