HINDI RAW FEEL ni Janice de Belen ang diction ni Marian Rivera.
Janice was telling her friends daw how bad Marian’s diction is. At kung siya nga raw ang tatanungin, pagsasabihan daw niyang mag-enroll sa isang crash course on speech para maturuan ng tamang pagsasalita itong si Marianita.
Ang tsika pa sa amin, hindi nga raw alam ni Janice kung paano niya sasabihin kay Marian ang pagkakamali nito sa pagbibigkas ng mga salita. Ayaw naman daw niya kasing ma-offend ang aktres. Baka raw kasi masamain ito ng dyowa ni Dingdong Dantes. Constructive naman daw ang kanyang criticism sa diction ng dalaga.
Ang isa lang hindi maganda rito, baka isipin pa ni Marian na nagmamahadera siya gayong kabago-bago pa lang niya sa kuwadra ni Popoy Caritativo, ang manager ni Marian. Si Popoy na kasi ang bagong manager ni Janice ngayon.
Kaloka nga!
Tuesday Vargas, feelingerang sikat?
FEELING SUPERSTAR NA yata itong si Tuesday Vargas. Masyado kasi siyang maraming demands.
Kinuhang host si Tuesday sa Talk ‘N Text Tipid Sulit promo sa Malabon kamakailan. Kasama niya ang main endorser ng nasabing telecom company na si Robin Padilla. Guest noong hapong iyon sina Vhong Navarro at Dominic Ochoa na sumayaw at kumanta.
Say ng aming tsikadorang friend, naloka raw ang director kay Tuesday dahil marami itong demands. Ang gusto kasi ng hitad, mayroon siyang mineral water, tissue, Gatorade at Lipovitan pagtuntong niya sa stage.
Siya lamang daw ang may ganoong demands. Si Robin nga na siyang endorser ng Talk ‘N Text ay mineral water lamang ang hiling.
At ang isa pang hindi nakakatuwa, masyado raw mareklamo itong si Tuesday. Humingi kasi siya ng tissue sa kanyang assigned production assistant. Hawak sa kamay ng PA ang tissue na hiningi ng comedienne. Napatili raw si Tuesday at pinagsabihan ang kawawang production assistant na huwag niyang hawakan sa kamay ang tissue dahil marumi raw ang hands niya. At nang ibigay naman sa kanya ang isang box ng tissue, napatili pa rin siya. Kailangan daw nakabukas ang kahon. Kaloka siya, ha!
Rape scene ni Lance Raymundo, kaabang-abang
MARAMI ANG NAG-ABANG sa rape scene ni Lance Raymundo sa indie film niyang Fidel na nagkaroon ng premiere night last Friday sa AFP Theater.
Kaya lang, na-disappoint ang mga bakla dahil walang na-sight kay Lance. Naka-brief kasi ang singer-actor matapos ang rape scene nila ni John Hall na gumanap na rapist niya.
Ang nakakatuwa, si John pa ang nagpakita ng kaseksihan nang tumayo itong hubo’t hubad mula sa kama.
Ang sabi sa amin ng director na si Shandii Bacolod, may Hollywood version daw ang Fidel at doon makikita ang puwet ni Lance.
Gano’n? So, pang-international exposure lamang pala ang butt ni Lance?
Nang makatsika naman namin si Lance, na-surprise rin siya kung bakit nawala nga ang scene na nakadapa siya sa kama na hubo’t hubad.
Anyway, maganda naman ang pagkakasulat ni Charlotte Dianco sa movie. Ang hindi lang maganda ay ang pagkakadirek ni Shandii. Masyadong bumabad ang ilang eksena at nahilo kami sa opening scene. May sablay din sa editing kaya ang suggestion namin, magkatay ng ilang hindi importanteng eksena para mas mabilis ang pacing. Okay naman ang acting ni Lance bilang male rape victim, pero ang nakaw-eksena rito ay si Von Arroyo.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas