NAKAGUGULAT ANG malaking ipinayat ni Janice de Belen. Dahil dito, may mga nag-iisip na baka in love siya.
“Wala. Bagong gupit lang ako!” natawang reaksiyon ng aktres.
May pinagdadaanan ba siya kaya naisipan niya ring magpaikli ng buhok? Gano’n daw ang babae kapag nagpapa-short hair?
“Hindi… well, siguro totoo ‘yon. Kasi nangyari na rin sa akin ‘yon in the past. But ito, ako I just thought na… ang tagal ko nang mahaba ang buhok. Nakakasawa rin. Mahirap ayusin dahil kasi I can’t fix my hair. Kulot ako, e. Kulot ako, so I cannot fix my hair myself. So, tuwing lumalabas ako ng bahay, parati siyang banana clip. Parati siyang naka-bunch up o parati akong nakapusod. Nakakapagod. So sabi ko… I think it’s about time to have change, do something with my hair that I can actually fix myself. Ang tagal ko nang single. Pitong taon na yata.”
Ayaw pa rin niyang pumasok ulit into a relationship?
“Hindi naman. Hindi ko lang siya naiisip. And I believe it’s true. Kasi may nagsabi sa akin na ‘yang mga ganyang bagay, hindi iyan minamadali. It’s a vibe that we send to the universe if we are ready. Apparantely, hindi ko ‘ata na-send ng vibe!” natawa ulit niyang biro.
Wala bang nagpaparamdam o umaaligid sa kanya ngayon?
“Baka hindi ko napapansin!” nangiti niyang sabi. “I really believe it’s a vibe itself.”
Kahit date, wala?
“It’s not that easy, ha! Kasi kapag inisip mo ngayon… papa’no ba nag-uumpisa ang date? Ano ba ang nagaganap sa date? So… I don’t also know. Alam mo siguro, ang mas imporante sa akin is that… I’m healthy. My children are healthy. And that… maganda ‘yong trabahong dumarating sa akin. Iyon na lang. ‘Yong mga maliliit na ganyan, kung ibibigay… well thank you. Pero kung hindi ibibigay, okey na. Kumota na naman ako, e. ‘Di ba? I mean there are things that you don’t ask for anymore.”
Pawang mga dalaga na ang mga anak niyang babae ngayon. Ang eldest daughter niya ay may boyfriend na nga raw. Lagi raw ang paalala ni Janice sa mga ito na mag-ingat sa pakikipagrelasyon. Na huwag munang ibibigay lahat.
“When you say ibigay ang lahat, kasi ako… well, record holder ako sa kapag umibig parang iyon na lang ang mundo. Ako, iyon ang sinasabi ko sa kanila… it doesn’t necessarily mean always about sex. It’s not always about that. Of course siyempre, kailangan i-educate mo sila about sex. But, uhm… it’s not always about that. Huwag kang ano… huwag kang paalipin sa pag-ibig. Huwag sundin ang lahat. Huwag mong ibase ang mundo mo sa kung ano ang gusto ng lalaki. Dapat kung ano ‘yong gusto mo. Kasi, you’re a separate entity. It should always be like that.”
Kung sa mga panahong darating ay may guy na mag-offer sa kanya ng kasal, will she be willing to accept such proposal?
“Kasal? Hindi na siguro. Alam mo, sa tagal ko kasing single… I think I have become selfish. Selfish in terms of… kasi ngayon nagagawa ko ang gusto ko. Na nakakaalis ako kung anong oras ko gusto. Nakakauwi ako ng kung anong oras ko gusto. Hindi ko kailangang mag-text na… wala akong pinapaalaman. ‘Di ba? Feeling ko, masyado na akong nasanay sa gano’n. Nasanay na ako na nagdedesisyong mag-isa para sa sarili ko para sa kahit na ano.”
Hindi raw kakulangan ang lovelife para maging masaya si Janice ngayon. Kuntento na siya na maayos ang buhay nila ng kanyang mga anak at maganda ang takbo ng kanyang career.
Si Janice pala ang unang kinonsider para sa Flordeliza. Ito ay ayon na rin sa director na si Wenn Deramas.
“Oo. Pero naka-commit na nga ako sa sa Oh MY G,” pagtukoy niya sa bago niyang soap kung saan bida sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa.
“I would have wanted to do it. Oo. Kasi love ko si Direk Wenn. I miss working with him,” panghuling naging pahayag ni Janice.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan