ISANG BUKAS na libro sa publiko ang kuwento ng buhay ni Janice de Belen. She grew up before our eyes since she played the lead role on the soap opera Flordeluna in the 1980s. Pinamalas din niya ang kanyang angking husay sa pag-arte sa mga pelikula tulad ng Mga Basang Sisiw, To Mama With Love, Nagalit Ang Buwan Sa Haba ng Gabi, Dear Mama, Shake Rattle & Roll 1, at Rosenda. Kaya naman matatawag na siyang batikan sa kanyang 34 years na karanasan sa showbiz.
Ano ba ang pro-seso ni Janice sa pag-arte? “Dapat galing iyan from a place in your heart. You give a piece of yourself.”
She is also a good host. A few years ago, I guested in her cooking show Spoon where I talked more than I cooked. Pero kung si Janice raw ang papi-piliin ay acting ang kanyang priority. “Kung on-cam, siguro acting (ang pipiliin ko), kasi iyon talaga ang ginagawa ko ever since. Iyong hosting, just happened and I had to develop and study it. Napag-aaralan mo.”
Janice has a Star Cinema movie titled The Healing together with Batangas Governor and Star for All Seasons Ms. Vilma Santos. The movie is directed by Chito Roño and will be shown in theaters starting July 25.
Kahit marami nang mga nakasamang artista sa pelikula at telebisyon si Janice, aminado siyang ninerbiyos nang makaeksena si Gov. Vi. Kuwento niya, “Noong una, nakakanerbiyos. Kahit sa first take, ninenerbiyos. Kasi, ‘Oy, si Ate Vi iyan, nakaka-intimidate’. Pero because you’re acting with her, dapat malampasan mo iyong nerbiyos na iyan. It has to work for you. Siyempre ‘pag nagwarm-up na kayo, nawawala ang nerbiyos mo, eh. Nagbibiruan na kami, parang kuwentuhan na kami, so hindi na kami masyadong ninenerbiyos.”
At gaya ni Kim Chiu na kasama rin sa pelikula ay na-starstruck din daw si Janice kay Gov. Vi. “Sa isang eksena kasi, medyo dramatic nang konti. Tayong mga artista, we like to support each other. Lumapit siya sa akin, pa-support. (Sabi ko) ‘Si Ate Vi, pa-support!’”
Kasama rin sa The Healing sina Pokwang, Mark Gil, Joel Torre, Martin del Rosario, Carmi Martin, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Chinggoy Alonso, at Mon Confiado.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda